SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio
MAY nakareserbang slot na ang Tito-Ping (Sen. Tito Sotto-Sen. Ping Lacson) tandem para kina Congresswoman Vilma Santos at Kris Aquino, sakaling gustuhin nilang tumakbo sa pagka-senador sa 2022 election.
Bukod pa ang 11 mga pangalang lumabas sa mga senatoriable ng Lacson-Sotto tandem. Kasama sa mga ito na may konek sa showbiz ay sina Congresswoman Lucy Torres, dating senador JV Ejercito, Gov. Chiz Escudero ng Sorsogon, Sen. Sherwin Gatchalian, Sen. Migz Zubiri, at Rep. Loren Legarda.
Inanunsiyo ring kasama rin sa listahan ang dating vice president na si Jejomar Binay.
At ang latest, posibleng maisama rin sa listahan ng Ping-Tito tandem si Monsour del Rosario. Bagamat palaisipan kung ano ba talaga ang tatakbuhin ng dating action star.
Kamakailan ay nakipagpulong si Monsour kina Sen. Lacson at Senate President Sotto kasama ang ilang dating mambabatas.
Sa kasalukuyan, umiingay at lumalakas ang tandem nina Lacson at Sotto para sa Halalan 2022.