Saturday , June 13 2026
Kusinerang Bulag Iloilo

Jean Garcia bida sa pelikulang kinunan sa Iloilo Public Market 

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez

SENTRO ng atensyon ngayon ang Iloilo Terminal Public Market matapos mapili bilang isa sa mga pangunahing lokasyon ng isang full-length feature film na pinagbibidahan ni Jean Garcia at ng batang aktres na si Arra San Agustin.

Kinunan sa Iloilo City at idinirehe ni Hugo “Boboy” Yonzon III, ang Kusinerang Bulag  (The Blind Cook) na ang kuwento ay tugkol sa tatlong magkakapatid na bumangon mula sa trahedya at pagsubok para muling itayo ang restoran ng kanilang pamilya.

Ibinahagi ni Iloilo City Mayor Raisa Treñas ang mga larawan mula sa shoot sa kanyang Facebook page, kalakip ang mensahe ng pasasalamat sa pagpili sa kanilang palengke bilang isa sa mga pangunahing lokasyon ng pelikula.

“An upcoming full-length movie is currently being shot sa Iloilo Terminal Public Market, kag daw sa ano bala nga mapilian ang aton merkado as one of the main locations,” (Isang full length movie ang kasalukuyang kinukunan sa Iloilo Terminal Public Market at nakasisiyang napili ang aming palengke bilang isa sa mga pangunahing lokasyon),” wika ni mayora.

Pinuri rin niya ang mga Ilonggo sa kanilang pagpapakita ng matibay na diwa ng bayanihan, at sinabing ang kanilang pagmamahal at malasakit ay patuloy na nagbibigay ng karangalan sa siyudad ng Iloilo.

“Through it’s story and visuals, the film highlights the rich natural beauty, vibrant culture, and diverse gastronomic heritage of the city,” nakasaad naman sa Iloilo Terminal Public Market sa kanilang Facebook page.

“Salamat gid for choosing Iloilo Terminal Public Market as part of your filming location!” dagdag pa nila.

Kabilang din sa pelikula sina Victor Neri, Samantha Samarita, Madeleine Nicolas, at Jennica Garcia. Ito ang ikalawang proyekto ng Bente Productions, na nasa likod ng pelikulang I Remember You noong 2025.

Pumasok ang Iloilo City Government sa isang 25-taong lease agreement sa SM Prime, na naglaan ng humigit-kumulang P1.5-B at P2.5-B upang gawing moderno, malinis, at ligtas ang Iloilo Central Market at ang Iloilo Terminal Market.

Sa kasalukuyan, may humigit-kumulang 2,000 stalls ang mga pinagandang pamilihan na nagbibigay ng mas maayos na pasilidad para sa mga tindero, at mas komportable at organisadong shopping experience para sa kanilang mga suki.

Bukas ang Iloilo Central Public Market mula 4:00 a.m.-10:00 p.m. habang ang Terminal Public Market naman ay bukas mula 1:00 a.m. -10:00p.m..

Ang redevelopment ng mga pamilihan ay bahagi ng kampanya ng lokal na pamahalaan na My Heart Beats in Iloilo City, na naglalayong ipakita ang natatanging pamana at kultura ng lungsod at palalimin ang ugnayang emosyonal ng mga mamamayan sa kanilang lungsod.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Jos Garcia Nolo Lopez

Jos Garcia and Nolo Lopez nominado sa 17th Star Awards for Music

MATABILni John Fontanilla NAGPAPASALAMAT ang Pinay international singer na nakabase na sa Japan na si Jos …

Ryzza Mae Dizon Toni TalksToni Gonzaga

Ryza Mae Dizon thankful sa TVJ

MATABILni John Fontanilla EMOSYONAL na ibinahagi ni Ryzza Mae Dizon sa interview nito sa Toni Talks ni Toni …

Claudine Barretto Dolphy Home Along Da Riles

Claudine ramdam na kasamang nanonood si Dolphy 

MA at PAni Rommel Placente LAST week ay nagkaroon ng advance screening ang pelikulang Home Along …

Aiko Melendez Andre Yllana

Andre gusto nang bumukod kay Aiko

MA at PAni Rommel Placente DUMATING pala sa puntong nagtampo kay Aiko Melendez ang anak niyang si Andre …

Sue Ramirez

Sue malaki ang impluwensiya ng Project Baby sa kanyang growth bilang babae 

BIDA ang Star Magic actress na si Sue Ramirez sa naganap na Star Magic Press Conference noong June 6, 2026, sa …