Thursday , June 11 2026
PBB Inigo Jose Carmelle Collado Eliza Borromeo Fred Moser Rave Victoria Reich Alim

Rave wish maging leading man, Inigo at Fred RomCom gustong i-explore

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez

SA loob ng mahigit dalawang dekada, nagsilbing daan para mapansin ang mga kwento ng iba’t ibang personalidad sa loob ng Bahay nu Kuya. Sa PBB Celebrity Collab 2.0 muli itong nagbukas ng pinto sa mga aspiring Kapamilya artist.

Nagpahayag si Reich Alim ng taos-pusong pasasalamat sa mga mga oportunidad na dumating sa kanya dahil sa PBB. Aniya, “Thank you so much for opening doors that I never thought that I would go through this early in my life. Maraming maraming-maraming salamat po talaga sa opportunity you gave me even inside the house.

Para kay Eliza Borromeo, ang maging housemate sa loob ng Bahay ni Kuya ang naging tulay para mas mabigyang halaga niya ang sarili. “Ang dami po talagang time sa bahay na pinanghihinaan po ako ng loob pero si kuya po hindi po siya nagkulang sa pagpapaalala sa akin na kailangan ko pong magtiwala sa sarili ko… Ayun po talaga ‘yung binaon ko po hanggang dito po paglabas.”

Ako po siguro na ma-maintain ko po siya [energy] kasi miss ko po talaga ‘yung mga tao… ‘Yung stay ko po sa bahay ni Kuya parang hinahanap ko po ‘yung sigawan, ‘yung kumusta sa akin ng mga tao…,”sabi naman ni Carmelle Collado. Bagama’t bagong labas pa lamang sa Bahay ni Kuya, isang OPM ballad na Stay ang ini-launch ni Carmelle para sa kaniyang mga taga-hanga.

Handa na ring sumabak si Carmelle sa mas malaking stage sa pagsama niya sa North American leg ng Love, KimPau world tour nina Kim Chiu at Paulo Avelino ngayong March at April. Sa tour na ito, inaasahan niyang makakonek at makilala ang mga Filipino fan abroad bilang bahagi ng inaabangang international run.

Bukod sa mga natutunan sa loob ng bahay, nagbahagi rin ang mga housemate tungkol sa mga plano nila sa kanilang mga career.

Nang tinanong ang mga PBB Kapamilya boys na sina Inigo Jose, Rave Victoria, at Fred Moser tungkol sa posibleng future projects na kanilang gagawin. “Siyempre gusto ko namang i-explore na role is RomCom..I’m just excited for what’s to come po,” sabi ni Inigo.

Sabi ni Rave “When it comes to projects, siguro gusto ko pong maging leading man at saka heavy drama po ‘yung gusto ko.”

Ibinahagi naman ni Fred: “Ako talaga I wanna be a leading man syempre and RomCom of course kasi ‘yun talaga ‘yung genre na I’m most looking forward to.”

Naging magandang simula ang 2026 para sa Kapamilya ex-housemates dahil sa kanilang pagsusumikap at malakas na relatability kaya patuloy silang sinusuportahan ng kanilang tagasubaybay. Abangan pa ang kanilang mga susunod na proyekto sa ABS-CBN.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Khai Flores Mantsa

Khai Flores seryoso sa kanyang acting career, tampok sa pelikulang “Mantsa”

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio INILARAWAN ni Khai Flores na kakaiba ang pelikula nilang “Mantsa” …

Gwen Garci MILF Maui Taylor Sheree Katya Santos

Gwen Garci balik sexy role sa new movie, pasok din sa seryeng “You’re My Favorite Song”

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio MAGLALAGARI sa dalawang projects si Gwen Garci, ito ang Kapuso series na “You’re My …

BB Gandanghari Iloilo

BB Gandanghari at iba pang celebs bumisita sa Iloilo Terminal Market; Public Markets umuusbong na Tourist destination

BUKOD sa pagpapabuti ng kalagayan at karanasan ng mga nagtitinda at mamimili, nakatulong din ang …

Ellen Adarna John Lloyd Cruz Isabel Santos

Ellen mas madalas ka-bonding si JLC

I-FLEXni Jun Nardo MALABO na nga sigurong magkabalikan ang dating couple na sina Ellen Adarna at Derek Ramsay. …

Heart Evangelista John Prats Teka Lang

Heart, John naghatid ng kilig sa Teka Lang music video

I-FLEXni Jun Nardo GOOD vibes ang dating ng muling pagsasama ng former lovers na sina Heart …