UPANG mapalakas ang rehabilitasyon ng Manila Bay, isinusulong ng Kagawaran ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) sa pakikipagtulungan ng lokal na pamahalaan ng Hermosa, sa lalawigan ng Bataan, ang pagtatanim ng mga punla ng kawayan sa kanilang nasasakupan.
Layunin na magtatag ng 1.7 ektarya para sa babusetum at bamboo nursery upang ang mga uri ng kawayan na magpapatatag sa mga pampang ng mga ilog at magpapalakas sa rehabilitasyon ng Manila Bay.
Ayon kay Paquito Moreno, Executive Director ng DENR Central Luzon, nakatakda silang magtanim ng aabot sa 950 punla ng Giant Bamboo, Yellow Bamboo, Budda, Belly Bamboo, Kawayan Tinik, Kawayan Kiling, at Bayog species, lahat ay matitibay na materyales na magagamit upang mapigilan ang pagguho ng lupa, at pampatatag sa mga pampang na dinadaluyan ng mga ilog.
Pahayag ni Director Moreno, mayroon 14,000 ektaryang taniman ng mga kawayan ang kanilang naitatag sa buong rehiyon magmula noong 2011 sa ilalim ng National Greening Program (NGP).
Aniya, mayroong 62 uri ng kawayan sa Filipinas batay sa pag-aaral, at 21 rito ay itinuturing na endemika sa bansa.
(RAUL SUSCANO)