Wednesday , December 25 2024

2022 elections ‘di mapipigilan ng pandemya

BUO ang paniniwala ni Senadora Imee Marcos na kahit ang kasalukuyang pandemyang kina­haha­rap ng bansa at ng buong mundo ay hindi madi­diskaril o mapipigilan ang nakatakdang 2022 presidential elections.

Ito ay matapos ang unang pagdinig ng Senate Committee on Electoral Reforms na pinamu­munuan ni Marcos ukol sa pagtitiyak na matu­tuloy ang 2022 national at local elections.

Magugunitang ma­ging ang Pangulong Rodrigo Duterte ay tiniyak na handa siyang bumaba sa puwesto sa 2022 matapos maihalal ang magiging bagong presidente na nangangahuugang nais niyang magkaroon ng halalan.

Ayon kay Marcos, ang tanging gagawin ng pa­ma­halaan ay maghanda ng mga pamamaraan sa tinatawag na new normal elections.

Ang ilang mga bansa kasi ay ipinagpaliban ang halalan dahil sa pan­demya.

Nitong 19 Enero, nakapagtala ang International Foundation for Election Systems ng 116 eleksiyon na ipinag­paliban sa 69 bansa at walong teritoryo dahil sa paglaganap ng CoVid-19.

Ang Australia, Canada, Germany, Hong Kong SAR, at UK ang ilan sa mga bansang nag­desisyong ipagpaliban ang  lokal, municipal o legislative elections nitong nagdaang taon at iniskedyul nilang ituloy ngayong 2021.

“Kailangan tayong magsikap na maging katulad ng South Korea na nagtagumpay noong Abril sa pagsasagawa ng eleksiyong ligtas kahit lumaki pa ang bilang ng kanilang mga botanteng lumahok,” ani Marcos.

Iginiit ni Marcos, maiiwasan nating ma­ging super spreader event ang isang eleksiyon sa gitna ng pandemya kung maaga ang pagpaplano at paghahanda at maba­bawasan din ang mga hamon sa pagiging lehitimo ng resulta ng eleksiyon.

Ang kawalan ng mga impraestrukturang pang-eleksiyon at pagpaplano para masiguro ang kalusugan at kaligtasan ng mga botante ay sadyang nakababahala, ani Marcos, sabay giit sa maselang sitwasyon ng mga senior citizen, persons with disability (PWD) o may kapan­sanan, buntis, at indigenous people o mga katutubo.

Idinagdag ni Marcos, karamihan sa mga guro na magsisilbing poll inspectors ay edad 60 pataas at may mataas na tsansang mahawa ng CoVid-19.

“Hindi puwedeng isantabi ang pagpaplano para sa eleksiyon habang hinihintay ang bakuna na dumating. Ang pagha­hanap ng karagdagang pondo at paglalatag ng mga hakbang na konek­tado sa pandemya ay hindi nagagawa nang madalian,” paliwanag ni Marcos.

Maaaring pagdu­dahan ang kredibilidad ng eleksiyon dahil sa mababang bilang ng mga bagong botanteng nagpa­rehistro sa Commission on Elections (Comelec) at kung mababa rin ang bilang ng mga boboto dahil sa takot na mahawa sa sakit o kaya’y kalituhan sa bagong sistema ng pagboto, ani Marcos.

“Dagdag pa riyan ang posibilidad na hindi agad mailabas ang resulta ng eleksiyon kompara sa nakasanayan,” dagdag ni Marcos.

Ang nasyonal at lokal na eleksiyon sa Mayo 2022 ay susundan ng Barangay at Sangguniang Kabataan elections sa Disyembre.

(NIÑO ACLAN)

About Niño Aclan

Check Also

Zamboanga del Norte

Supplemental budget nakabinbin
OPS NG PROV’L AT DISTRICT HOSPITALS, IBANG PAGAWAING BAYAN SA ZAMBO DEL NORTE POSIBLENG MATIGIL — GOV. NENE

ITO ang malalim na laman ng pahayag ni Governor Jalosjos sa media makaraang sumulat sa …

SMC Toll Fee

Bilang pasasalamat sa mga motorista
BAYARIN SA EXPRESSWAY KAKANSELAHIN NG SMC SA BISPERAS NG PASKO AT BAGONG TAON

NAKATAKDANG kanselahin ng Conglomerate San Miguel Corporation (SMC) ang mga bayarin para sa expressway network …

SM Krus na Ligas 1

Promoting wellness and enhancing healthcare delivery
SM Foundation upgrades vital Quezon City community health center

Refurbished by SM Foundation, Krus Na Ligas Health Center caters to over 73,000 residents of …

Manila Honey Lacuna Yul Servo Nieto

Mayor Honey, VM Yul, Asenso Manileño Team namahagi ng Christmas gift boxes para sa Senior Citizens ng Maynila

NAMAHAGI ng Christmas gift boxes sina Mayor Honey Lacuna – Pangan, Vice Mayor Yul Servo …

Muntinlupa

Sa ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag
MUNTINLUPA NAGDIWANG SA DIWA NG TUNAY NA PUSO NG MAMAMAYAN

IPINAGDIWANG ng Lungsod ng Muntinlupa ang ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag na isa sa mahalagang okasyon …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *