Tuesday , December 16 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

I Can See You: The Promise, sa isang lake house kinunan

SUMABAK na sa taping ang cast ng pinakabagong series ng Kapuso Network na I Can See You: The Promise na pagbibidahan nina Paolo Contis, Yasmien Kurdi, Andrea Torres, at Benjamin Alves. 

 

Sa behind-the-scenes photos ng serye ay mapapansin na sa isang lake house na may magandang tanawin kinuhanan ang mga eksena. Makikita rin sa mga ito na mabusising pinaghahandaan at maingat na sinusunod ng team ang taping guidelines at new normal workflow sa pagbuo ng exciting sequences.

Nauna nang inanunsiyo ang I Can See You: Love on the Balcony na pagbibidahan naman nina Alden Richards, Jasmine Curtis-Smith, at Pancho Magno.

 

Samantala, High Rise Lovers at Truly, Madly, Deadly naman ang pamagat ng ilan pang mga kuwentong itatanghal bawat linggo sa naturang series.

 

Nasasabik na rin ang ilang netizens na malaman kung sino pang Kapuso stars ang bibida sa pinakabagong offering ng GMA Drama team na mapapanood sa Telebabad block. Mapapanood ang I Can See You ngayong Setyembre na sa GMA-7!

COOL JOE!
ni Joe Barrameda

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Joe Barrameda

Check Also

James Reid kathryn Bernardo Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel-Kaila ‘di nagpatalbog kina James-Kathryn

PUSH NA’YANni Ambet Nabus NAGING usap-usapan ang performance nina James Reid at Kathryn Bernardo sa katatapos na Christmas Special …

Angelica Panganiban Ellen Adarna

Angelica, Ellen nag-follow sa kani-kanilang IG, isasama pa sa GC

PUSH NA’YANni Ambet Nabus AYAN na, nag follow na sa isa’t isa sina Angelica Panganiban at Ellen Adarna sa …

Pokwang

Pokwang iniwan morning variety show, magpo-focus sa negosyo 

I-FLEXni Jun Nardo NAGPAALAM ng maayos si Pokwang sa pagiging host ng morning variety show ng GMA, ang Tiktoclock na …

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …

Lito Lapid

Nasa gawa tunay na paglilingkod

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BAGAMAT “artista lang” ang tingin sa kanya ng mga mapanghusga, pinatunayan …