DUMALO ang pamunuan ng Jose B. Lingad Memorial Regional Hospital-Molecular and Diagnostic Pathology Laboratory, Philippine Red Cross, at Green City Medical Center sa itinakdang pagdinig ng Committee on Health and Sanitation ng Sangguniang Panlalawigan ng Pampanga sa pangunguna ni Governor Dennis “Delta” Pineda na ginanap sa Bren Z. Guiao Sports Complex noong Miyerkoles, 2 Setyembre.
Kaugnay ito sa mga hindi pagkakapareho ng resulta ng mga CoVid-19 swab test ng mga pribadong laboratory test facility at laboratory test ng gobyerno sa lalawigan ng Pampanga at sinuri rin ang lapses na maaring maging dahilan upang magkaroon ng pagbabago sa mga lumabas na resulta at pinag-usapan ang tamang aspekto at pamamaraan ng tamang pagsusuri.
Sa paglalahad ng mga panuntunan, ang bawat pribado at government CoVid-19 testing laboratory ay pareho ng mga sinusunod na mga protocol mula sa pag-handle nang buong ingat ng kani-kanilang laboratoryo at maingat na pag-extract ng mga specimen hanggang sa pagsusuri nito at paglabas ng resulta.
Sinabi ng DOH, matapos sumailalim sa swab test ang isang pasyente ay kinakailangang sumailalim sa 14 araw na quarantine sa isang quarantine facility at hindi dapat pauuwiin sa kanilang tahanan.
Ayon sa Research Institute for Tropical Medicine (RITM), “What really the actual process being done there (Laboratories) they can review the runs of the various result that they performed, they can watch full the process from reception to the result and check the other quality assurance aspects of the laboratory.”
Samantala, inaasahan ng mga residente ng lalawigan ng Pampanga na sa susunod na pagpapatuloy ng pagdinig ng Committee on Health and Sanitation ay mabigyan ng mas malinaw na paliwanag hinggil sa hindi pagkakatugma ng mga CoVid-19 swab test results na hanggang sa kasalukuyan ay malabo pa ang kasagutan. (RAUL SUSCANO)