Saturday , January 10 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Phil… ‘Health is wealth’  

MINSAN pang pinatunayan na totoo nga ang kasabihang kinagisnan natin — “Health is wealth.”

Lalong tumibay nang dinugtungan pa ng pangalan ng bansang Filipinas kung kaya’t naging PhilHealth…  he he he.

Bakit naging makatotohanan ang nasabing kasabihan? Eto na nga po ang katugunan mga kababayan…

Hindi na kaila sa ating lahat at tayong lahat ay naging mga saksing buhay sa naging kaganapan nito lamang mga nakaraang mga buwan na bilyo-bilyones ang ninakaw na kayamanan sa pondo ng PhilHealth.

‘Di po ba napakalaking kayamanan at halaga ng salapi ang nawala sa kaban ng nasabing ahensiya kung kaya’t wasto at pinatunayan ng nasabing kasabihan na health is wealth.

Talaga nga namang totoo ang sinasabing halos katumbas ng malaking kayamanan ang kapakanan ng ating kalusugan na ninakaw ng ilang tao para lamang sa sarili nilang interes.

Tsk tsk tsk.

E paano naman kaya ang ating kalusugan ngayon gayong wala na ang yaman? He he he…

Nuknukan ang kapal ng mukha ng mga taong nasa likod ng katiwaliang ito na umano’y pinangungunahan nina Department of Health (DOH) Secretary Francisco Duque at PhilHealth Director Ricardo Morales na kasalukuyang may dinaramdam.

Partikular kay Duque at Morales, sangkot din umano ang mga regional directors, mga doktor, ospital, at banko sa nasabing katiwalian. Ewan natin baka butlig lang ang tumubo sa kanilang mga katawan at hindi bukol dahil konti lang lang ang kanilang kinurakot kung ikokompara sa mga nauna.

Marami ang nag-aantabay sa magiging resulta ng imbestigasyon ng Department of Justice (DOJ) hinggil sa magiging mga kaso ng mga taong mismong nasa likuran nito dahil wala na namang ibang magdurusa kundi si Juan de la Cruz.

Sila raw ang mga taong kung bansagan ay mga miyembro ng SWAT o Samahan Walang Awa sa mga Tao. Mantakin ninyong mismong panahon ng pandemic nang maganap at mabuko ang korupsiyon? Ang tindi ng mga naturalesa ninyo.

 

Ngayong napalitan na si Morales ni dating NBI Director Dante Gierran, marami ang umaasa na muling makababangon ang nasabing ahensiya.

Director Gierran, ngayon pa lang ay sumasaludo na kami sa inyo at naniniwalang malilinis mo ang PhilHealth sa mga bandido’t magnanakaw.

Kudos at mabuhay ka, new PhilHealth President & CEO Dante Gierran!

YANIG
ni Bong Ramos

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Bong Ramos

Check Also

Aksyon Agad Almar Danguilan

Bakit hindi dapat agad paniwalaan si Bernardo

AKSYON AGADni Almar Danguilan BAGONG TAON ng 2026 na pero nananatiling walang napaparusahan na “big …

Firing Line Robert Roque

Prangka kaysa pakitang-tao

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. KUNG napanood mo ang recent episode ng “Storycon” sa …

Sipat Mat Vicencio

Kapag bumaliktad si Martin Romualdez, lagot si Bongbong

SIPATni Mat Vicencio NAGKAKAMALI si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., kung inaakalang ligtas na ang …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Rep. Romualdez, dapat kasuhan sa flood control corruption — DPWH Sec. Dizon

AKSYON AGADni Almar Danguilan NANINDIGAN si  Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Vince …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Opisyal ng BOC at mga tauhan nito pinaiimbestigahan sa isyu ng smuggling

AKSYON AGADni Almar Danguilan PINAIIMBESTIGAHAN sa Malakanyang ang umano’y smuggling activities at korupsiyon sa Bureau …