Saturday , November 16 2024

Diskuwento sa remittance fees aprobado sa Kamara

INAPROBAHAN na ng House Committee on Ways and Means ang panukalang magbibigay ng 50% diskuwento sa remittance fees ng overseas Filipino workers (OFWs).

 

Sa pagdinig kahapon sa pamamagitan ng teleconferencing ng House committee on ways and means na pinamumunuan ni Albay Rep. Joey Salceda, inaprobahan ang House Bill 826 na iniakda ni Pampanga Rep. Aurelio “Dong” Gonzales.

 

Nakasaad sa panukala ni Gonzales, ang pagbabawas ng 50% sa kasalukuyang sinisingil ng mga banko at iba pang financial institution na tumatangkilik sa remittances ng OFWs at iba pang Filipino na magpapadala ng US$500 pataas.

 

Sa naturang panukala, babawasin din ang bayad sa mga padala na mas mababa sa US$500 ng 10% hanggang 40%.

 

Napag-alaman sa pagdinig, umaabot sa US$3.2 bilyon o P166.4 bilyon ang kinikita ng remittance centers sa mga OFW taon-taon lalo noong 2019 dahil sa mataas na singil ng remittances fees sa OFWs.

 

Sinabi ni dating Congressman Aniceto Bertiz III ng ACT OFW party-list, umaabot sa 6% hanggang 7% ang sinisingil ng mga non-bank remittance centers sa mga OFW.

 

“If we can get banks to slash their remittance prices by one-half, this would mean an extra $1.6 billion (P83.2 billion) flowing into low and middle-income Filipino households and into the economy,”  ani Bertiz.

 

Inamyenda ito ng komite at nagpasya ang mga miyembro na gawing 50% ang diskuwento sa lahat ng remittance fees.

 

Ipinagbabawal din sa panukala ang biglang pagtaas sa singil ng remittance sa lahat ng financial at non-bank intermediaries lalo na kung hindi dumaan sa konsultasyon ng Department of Finance (DOF), Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP), at Philippine Overseas Employment Administration (POEA).

 

Kapalit nito ang pagbawas sa buwis ng mga banko at non-bank financial institution. (GERRY BALDO)

About Gerry Baldo

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *