Sunday , January 11 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Rape-convict Calauan, Laguna Ex-Mayor Sanchez isinugod sa ospital

ISINUGOD ang dating mayor ng Calauan, Laguna na si Antonino Sanchez sa Ospital ng Muntinlupa dahil sa karamdaman.

 

Sa ulat, sinabing dakong 10:00 pm nang ibalik si Sanchez sa NBP dahil wala umanong bakanteng kuwarto ang naturang hospital.

 

Patuloy na inoobersabahan ang kondisyon ni Sanchez sa NBP hospital.

 

Ayon kay BuCor Director General Gerald Bantag, isinugod si Sanchez sa Ospital dahil sa pagsusuka at pagdumi nitong dalawang araw .

 

Sa ibinigay na inisyal na report ni Dr. Henry Fabro kay General Bantag, si Sanchez ay may sakit na electrolyte imbalance secondary to acute gastroenteritis, chronic kidney disease, diabetes mellitus type 2, hypertension, benign prostatic hypertrophy.

 

Ayon kay Bantag, tumagal nang dalawang araw bago naisugod ng hospital si Sanchez dahil nag-self medication umano ang dating alkalde. (JAJA GARCIA)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Jaja Garcia

Check Also

Melanie Marquez

Adam Lawyer sinagot mga akusasyon si Melanie Marquez

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SUMAGOT na thru his legal counsel si Adam Lawyer, asawa ni Melanie Marquez na …

Donny Pangilinan Kyle Echarri Roja

Donny at Kyle maangas sa pagsasanib-puwersa

PASABOG agad ang pagpasok ng bagong taon para sa Roja matapos ilabas ang mid-season trailertampok ang umiigting na …

Goitia BBM Liza Marcos

Goitia: Ang mga Paratang na Ito ay mga Sadyang Kasinungalingan

Diretsuhin na natin. Ang kumakalat ngayon online ay mga huwad at mapanirang paratang laban kina …

Manila

Para sa Traslacion 2026
Trabaho, klase sa Maynila suspendido Liquor at firecracker ban ipinatupad

HATAW News Team INIANUNSIYO ni Manila City Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso nitong Lunes, 5 …

Clark Pampanga

Sa Port of Clark, Pampanga
HIGIT P7-M ECSTASY NASABAT

NAKOMPISKA ng mga awtoridad ang higit sa p7-milyong halaga ng pinaniniwalaang ecstasy na nakapaloob sa …