NAGBITIW na sa kanyang posisyon bilang Kapitan ng Barangay Fatima 2 ang kapitan na naaktohang nakikipag-sex sa kanyang tesorera, matapos makalimutan na i-logout ang zoom video camera sa katatapos na zoom conference ng lahat ng kapitan sa Dasmariñas, Cavite.
Subalit ayon kay DILG Undersecretary for Barangay Affairs Martin Diño, wala pa sa kanyang tanggapan ang kopya ng resignation letter ng nasabing Kapitan.
Sinadya ko talagang hindi pangalanan si Kapitan at tesorera nito bilang proteksiyon sa kani-kanilang pamilya na dumaranas ngayon ng matinding kahihiyan na dadalhin habambuhay ng mga anak at hanggang mga apo.
*****
Bubusisiin pa ang pondo ng barangay dahil sa ‘relasyon’ nina kapitan at ng kanyang tesorera. Si Kapitan ay posibleng maharap din sa nga kasong administratibo at puwede rin ang mga kasong kriminal kung magsasampa ng kaso ang mister ng tesorera at ang kanyang misis.
*****
Sa aking panayam ko kay Usec. Martin Diño, taong 2012, noong siya ay barangay captain pa, nagpalabas ng memorandum circular ang COA hinggil sa pagbabago sa mga alituntunin sa pondo ng barangay.
Ayon kay Diño, noong araw bago ka maglabaas ng pondo ng barangay, maraming pagdaraanan subalit ngayon ay malaki ang karapatan ng mga kapitan sa pondo para pahintulutan ang tesorera na maglabas ng pondo.
Kung ganyan ang sistema ng kalakaran dahil sa direktiba ng COA, kaya pala maraming naghahangad na tumakbong kapitan! Lalo na kung ang siyudad ay malaki ang pondo partikular ang IRA.
Kamakailan, nanawagan si Cavite Governor Jonvick Remulla na tigilan na ang pagpapakalat ng video sex scandal ni Kapitan. Sa halip na awatin, dapat manawagan ang gobernador sa mga Kapitan ng buong lalawigan ng Cavite na isang masamang impluwensiya o halimbawa ang sangkot sa sex scandal na Kapitan.
Ang pagpapakalat sa video sex scandal ay pagpapatunay lamang na hindi tama bilang kapitan ang mga malisyong aktuwal na palabas.
Ating abangan ang pagbusisi sa pondo, kung si Kapitan ay isang kupitan?
Isumbong mo
kay DRAGON LADY
ni Amor Virata