KINAGILIWAN ng netizens ang ipinost na video ni Love of my Life star Rhian Ramos sa kanyang Instagram na masaya siyang nagtatampisaw sa ulan kasama ang ina at nakatatandang kapatid.
Anang netizen na hindi maiwasang magbalik-tanaw sa kanyang childhood. “Namiss ko tuloy maligo at maglaro sa ulan which I used to do when I was a kid. It looks like the three of you are having fun!”
Habang hindi pa nagbabalik-taping si Rhian sa pinagbibidahang GMA series na Love of my Life, pinagkakaabalahan ng aktres ang pagawa ng YouTube vlogs na madalas kasama rin ang kanyang ina at kapatid.
COOL JOE!
ni Joe Barrameda