Wednesday , December 17 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Nikko Natividad, naghangad ng kagitna, isang salop ang nawala

“Ang Lalaking Walang Pahinga!”

‘Yan siguro ang bagay na bansag ngayon sa actor-dancer na si Nikko Natividad, batay sa parang galit na pagtatapat n’ya kamakailan sa Twitter n’ya kung paano siya nakaipon ng P4-M sa limang taon n’yang pagtatrabaho sa showbiz.

Pwede na ring paniwalaang kikita siya ng ganoong kalaki dahil sa limang taon n’ya sa showbiz ay never naman siya hayagang napabalitang may ginawang imoral o illegal na pinagkakitaan n’ya. Parang never din naman siyang napa-blind item na may imoral o illegal na ginawa na nakapagpakamal sa kanya ng napakaraming salapi.

Ultimong pagbebenta ng Graham crackers, bedsheets, at kung ano-ano pang legal na produkto ay ginawa n’ya.

At ayon sa pagtatapat n’ya, kahit na sikat na rin naman siya bilang miyembro ng Hashtags dance group ng It’s Showtime ng ABS-CBN, tumatanggap siya ng role sa TV at sa pelikula na mukha siyang ekstra dahil wala siyang dialog.

At mukhang “rumaraket” talaga siya na mag-isa na ‘di-kasama ang iba pang miyembro ng Hashtags. Sangkatutak na piyesta sa iba’t ibang lupalop ng bansa ang pinatulan n’ya kaya nakaipon siya ng P4-M sa loob ng limang taon.

Apat na milyong piso na naglahong parang bula dahil in-invest umano n’ya sa isang tao na nangako sa kanya ng tubo na 20% sa loob lang ng ilang linggo.

Kung nakakapagtakang paano siya kikita ng P4-M sa loob ng limang taon mainly from showbiz  gayong ‘di naman siya solo lead star ay nakapagtataka rin na parang ‘di na siya nagdalawang-isip na biglang ipagkatiwala n’ya sa isang pagkakataon ang buong P4-M na naipon n’ya in blood, sweat, and tears sa loob ng limang taon.

Parang ang nangyari kay Nikko ay pagpapatotoo sa matandang kasabihang, “sa paghahangad ng kagitna, isang salop ang nawala.”

 

KITANG-KITA KO
ni Danny Vibas

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Danny Vibas

Check Also

Coco Martin Nicole

Coco ‘kinuha’ anak ni Katherine Luna

MA at PAni Rommel Placente KINUHA ni Coco Martin ang anak ng dating aktres na si Katherine Luna na …

Will Ashley Dustin Yu Bianca De Vera

Will deadma sa pagsasabong sa kanila ni Dustin

RATED Rni Rommel Gonzales MALAYO na talaga ang narating ni Will Ashley! Ngayon kasi ay bida …

Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel, Kaila hulicam pagka-sweet sa concert

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez HINDI nakaligtas sa mapanuring netizens ang pagpapakita ng ka-sweet-an nina Daniel Padilla at Kaila …

James Reid kathryn Bernardo Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel-Kaila ‘di nagpatalbog kina James-Kathryn

PUSH NA’YANni Ambet Nabus NAGING usap-usapan ang performance nina James Reid at Kathryn Bernardo sa katatapos na Christmas Special …

Angelica Panganiban Ellen Adarna

Angelica, Ellen nag-follow sa kani-kanilang IG, isasama pa sa GC

PUSH NA’YANni Ambet Nabus AYAN na, nag follow na sa isa’t isa sina Angelica Panganiban at Ellen Adarna sa …