Monday , December 15 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Kris, bugbog sarado kay Ahron; Biboy, to the rescue

PAREHONG may kinalaman ang mga karakter nina Biboy Ramirez at Ahron Villena sa gagampanang role ni Kris Bernal para sa new episode ng Wish Ko Lang sa Sabado (August 29).

 

Si Ahron ang asawa ni Kris pero dahil sa pambubugbog ay tatakasan siya ni Kris. Makikilala naman ng karakter ni Kris si Biboy na isang mabait at mapagmahal na lalaking magtataguyod sa kanila ng kanyang anak.

 

Nakare-relate si Biboy sa kuwento ni Kris as Jerlyn. “Ang girlfriend ko po ngayon ay single mom din. And para sa akin, hindi importante ang nakaraan ng partner mo. Ang importante, ‘yung nararamdaman ninyo para sa isa’t isa sa kasalukuyan.”

 

Na-challenge naman si Ahron sa role niya rito. “Medyo mabigat ang character ni Nestor kasi nambubugbog ng asawa, hindi lang isang beses, maraming beses.”

 

May mensahe naman si Kris para sa mga tulad ni Jerlyn na patuloy na nagsusumikap para sa pamilya. “Lahat ng paghihirap ay masusuklian,” say ng aktres. “Marami kang pagdaraanan that will test your patience, your strength, and even your faith pero huwag kang mawalan ng pag-asa.”

 

Tiyak na kukurot na naman sa puso ang bagong episode na ito ng Wish Ko Lang! sa Sabado ng hapon pagkatapos ng Tadhana sa GMA-7.

 

COOL JOE!
ni Joe Barrameda

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Joe Barrameda

Check Also

Pokwang

Pokwang iniwan morning variety show, magpo-focus sa negosyo 

I-FLEXni Jun Nardo NAGPAALAM ng maayos si Pokwang sa pagiging host ng morning variety show ng GMA, ang Tiktoclock na …

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …

Lito Lapid

Nasa gawa tunay na paglilingkod

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BAGAMAT “artista lang” ang tingin sa kanya ng mga mapanghusga, pinatunayan …

Lito Lapid

Biopic ni Sen Lito gagawin ng isa sa mga apo

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SPEAKING of mga anak at apo, talaga palang sinabi ni Senador Lito …

Lito Lapid Coco Martin

Sen Lito suportado si Coco saan man lilipat

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “HUWAG ninyong galawin iyan. Para sa mga anak at apo ko …