SA recent episode ng Mars Pa More, nagbigay ng tips si Janine Gutierrez kung paano mag-recycle at maging mas eco-friendly. Bukod sa pagse-segregate ng biodegradable mula sa non-biodegradable waste, inihihiwalay din niya ang mga plastic.
Aniya, “’Yung mga plastic container na nakukuha ko, itinatago ko at obinibigay ko sa isang recycler. At para naman sa mga plastic na pwede gupitin, ginagawa kong ecobricks.”
Pagbabahagi ng aktres, “Ang ecobrick ay isang form ng construction material na pwedeng gamitin sa paggawa ng mga bahay na eco-friendly. So it’s a way for us to help prevent plastic that we use from getting into the ocean. All you have to do is collect your plastic, cut them into pieces, and stuff them inside an ecobrick or a plastic bottle. You can drop this off sa donation points kung saan magagamit siya at hindi mapupunta sa landfill.”
COOL JOE!
ni Joe Barrameda