Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Paolo Contis, may kakaibang AngBoxing

HINDI talaga nawawalan ng twists ang Kapuso actor/comedian na si Paolo Contis sa kanyang YouTube videos. Kung ang madalas na ginagawa ng vloggers ay “unboxing videos,” isang “AngBoxing” video naman ang naisip ni Paolo sa kanyang channel.

“Alam ninyo noong mga nakaraang araw, nahirapan akong mag-isip ng mga bagong content kasi nauubusan tayo. So, nagdecide ako na tumingin ng ibang content at ano ‘yung ginagawa ng mga tao. Naisip ko, eh, medyo sikat ‘yung unboxing. Pero siyempre, hindi ko naman kayang gumaya masyado sa mga unboxing kaya naisipan ko na gumawa ng content na ‘AngBoxing.’

 

 “Itong ‘AngBoxing’ ay wala lang na content. Ikakahon ko lang ‘yung mga gamit-gamit — ‘yun na ‘yung ‘AngBoxing,’” paliwanag ni Paolo.

Para sa kanyang unang AngBoxing video, ang kanyang Infinity Gauntlet mula sa Marvel Cinematic Universe na The Avengers ang ikinahon ni Paolo.

Ibinahagi rin ng Bubble Gang at All-Out Sundays mainstay ang dahilan kung bakit niya ito ibinalik sa tamang lalagyan. “Alam n’yo, malamang iisipin niyo na sobrang walang kwenta ‘yung content but kaya ginawa ko ito kasi maraming times na hinihingi ito ni Aki. Hindi ko ibinibigay kasi sabi ko sa kanya, ‘Patunayan mo muna na kaya mong mag-alaga ng gamit.’”  Dugtong niya, “So he asked if he can have it and I think it’s time.” 

Ano naman kaya ang naging reaksiyon ni Aki nang ibigay na sa kanya ni Paolo ang Infinity Gauntlet?

 

COOL JOE!
ni Joe Barrameda

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Joe Barrameda

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …