Wednesday , December 17 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Kim Chiu inspired at ang taas ng energy sa kanyang mga eksena sa Love Thy Woman (Malakas pa rin sa Kapamilya Channel, at digital platform ng ABS-CBN)

MUKHANG nalalapit na ang pagwawakas ng teleserye ng Dreamscape Entertainment at ABS-CBN na “Love Thy Woman.”

Sa last will and testament ni Adam Wong (Christoper de Leon) kanyang ipinamamahala sa anak na si Jia (Kim Chiu) bilang bagong President at CEO ng kompanyang Dragon Empire kasama ang lahat ng kanyang ari-arian.

Pinatay si Adam ng hindi pa nakikilalang killer gayondin ang matalik na kaibigan nitong si Manny Tanchangco (Mari Kaimo) na nakasama na

ni Adam noong nagsisimula pa lamang umunlad ang negosyo.

Namatay si Manny dahil sa atake sa puso

sa sobrang stress sa kasamaan ng mag-mommy Dana (Yam Concepcion) at Lucy Wong na ginagampanan ni

Eula Valdez na gustong ibenta sa mga Chua ang Dragon Empire para wala nang habol ang mag-inang Jia at Kai (Sunshine Cruz) sa malaking mamanahin.

Ang natitirang pag-asa na lang ngayon ni Jia para mapatunayang sa kanya ipinamahala ng kanyang daddy na si Adam ang Dragon Empire ang abogadong si Atty. Marquez (Robbie Packing) na kasalukuyang comatose sa ospital dahil sa sunog sa opisina nito na ang pinagbibintangang gumawa ay si Lucy.

Pero si Lucy nga ba ang gumawa nito sa abogado na may hawak ng huling habilin ni Adam at si Lucy rin ba ang pumatay sa mister o si Amanda (Ruffa

Gutierrez) na ipinaglalaban naman ang mana para sa kanila ng anak na si Gab o kaya si Harry (David Chua) na matagal ng nawawala at may galit rin sa pinatay na negosyante.

Ang taas ng energy ni Kim sa bawat eksena gayondin ng buong lead cast. Kasi naman inspired ang lahat dahil isa sa malakas na show sa Kapamilya Channel at iba’t ibang digital platform ng ABS-CBN ang Love Thy Woman.

VONGGANG CHIKA!
ni Peter Ledesma

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Peter Ledesma

Check Also

Coco Martin Nicole

Coco ‘kinuha’ anak ni Katherine Luna

MA at PAni Rommel Placente KINUHA ni Coco Martin ang anak ng dating aktres na si Katherine Luna na …

Will Ashley Dustin Yu Bianca De Vera

Will deadma sa pagsasabong sa kanila ni Dustin

RATED Rni Rommel Gonzales MALAYO na talaga ang narating ni Will Ashley! Ngayon kasi ay bida …

Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel, Kaila hulicam pagka-sweet sa concert

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez HINDI nakaligtas sa mapanuring netizens ang pagpapakita ng ka-sweet-an nina Daniel Padilla at Kaila …

James Reid kathryn Bernardo Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel-Kaila ‘di nagpatalbog kina James-Kathryn

PUSH NA’YANni Ambet Nabus NAGING usap-usapan ang performance nina James Reid at Kathryn Bernardo sa katatapos na Christmas Special …

Angelica Panganiban Ellen Adarna

Angelica, Ellen nag-follow sa kani-kanilang IG, isasama pa sa GC

PUSH NA’YANni Ambet Nabus AYAN na, nag follow na sa isa’t isa sina Angelica Panganiban at Ellen Adarna sa …