Friday , November 15 2024
Bulabugin ni Jerry Yap
Bulabugin ni Jerry Yap

Si Sarah, the double G., at ang Meralco

SIMPLE, honest, gaya ng H sa kanyang pangalan, mabuting anak, loyal na mangingibig, at siyempre superb na musical and movie artist.

‘Yan ang impresyon natin kay Sarah na ngayon ay puwede na nating tawaging Sarah, The Double G (Geronimo-Guidicelli), mula nang siya ay pumasok sa entertainment hanggang maging kontrobersiyal sa masalimuot na relasyon nila ng kayang nanay na pinasidhi ng kanyang pag-ibig kay Matteo.

Mula nang magpakasal sila ni Matteo, biglang nawala sa limelight si Sarah G., na sinabayan pa ng pagbawi ng prankisa sa ABS-CBN.

Inakala nating kontento sa kanyang buhay may-asawa si Sarah, The Double G, kahit sabi nga e hindi pumayag ang nanay na solohin niya ang kanyang mga kinita sa panahon na siya ay single pa.

Ang tingin din natin kay Sarah noon ay isang matuwid na tao at hindi magpapagamit sa ‘panggogoyo’ sa kanyang sambayanang fans lalo sa sambayanang Filipino.

Pero huwaw, ano itong napapanood nating TVC ng MERALCO?! Hindi lang si Sarah kundi kasama ang kanyang mister na si Matteo.

Tsk tsk tsk…

Wala na bang mga kompanyang nag-aalok ng ‘mahilab-hilab’ na talent fee kay Sarah para patulan niya ang ‘hirit’ ng Meralco na ‘payapain’ ang nagpupuyos na damdamin ng mga consumer?!

Wala na tayong narinig na update sa Congressional hearing na isinasagawa ng Kamara ukol sa mas matindi pa sa ‘spike’ ng CoVid-19 ang inilalabas na ‘overpriced billing’ sa kanilang consumers ng Meralco.

Ano na nga ba ang nangyari sa hearing?

Pansamantalang nanahimik ang nagpupuyos na consumers kasi sinabi ng Meralco na magpapadala sila ng bagong bill na maayos at hindi susundan ‘yung ginawa nilang estimated mula sa mga buwan ng Nobyembre at Disyembre 2019 at Enero 2020 at pinagbatayan ng bill para sa konsumong Pebrero-Marso.

Pero nang muling dumating sa kanila ang bagong bill nitong nakaraang Hunyo ganoon pa rin ang suma total. Pinagbasehan pa rin ‘yung ‘estimated bill’ plus ‘yung meter reading umano nila mula Marso hanggang Hunyo 2020.

Kaya nang dumating ang panibagong bill, ganoon pa rin, sumisirit pa rin na tila hinipang lobo ang konsumo ng bawat household.

Nasaan ang sinabing aayusin ang bagong bill ng Meralco?! Wala! Gano’n pa rin!

Nagtataka naman kasi tayo, bakit hindi nila hinayaang magtrabaho ang kanilang mga meter reader ‘e kasama naman ‘yun sa logistics. In short, pasok sila sa Authorized Persons Outside Residence (APOR). Pero dahil hindi nga ganoon ang nangyari, gumagawa ngayon ng remedyo ang Meralco na lalong nagkakaindu-indulto.

At isa na nga sa kanilang remedyo, e ‘yung payapain ang nagpupuyos na sambayanan sa pamamagitan ng mala-anghel na mukha at malamyos na tinig ni Ms. Sarah, The Double G, kasama ang kanyang Knight in Shining Armor na si Matteo.

Kaya gusto nating tanungin, wala ka na bang pansaing Ms. Sarah, The Double G, kaya pinatulan mo ang panrarahuyo ng Meralco sa sambayanang consumers?!

Kung sabagay, dukha lang ang nawawalan ng pansaing hindi ang gaya ng isang Sarah, The Double G.

Pero ganoon pa rin ang tanong — bakit hinayaan mong gamitin kang ‘pacifier’ ng Meralco sa nag-aalborotong sentimyento ng mga consumer?!

Bakit ka pumayag na maging ‘pacifier’ ng Meralco nang hindi nila inaayos ang kanilang backlogs sa sambayanang consumers?!

Kakampi ka dapat ng ‘ginogoyong’ consumers dahil consumer ka rin (maliban kung naka-solar panel ka na) at hindi ‘alipin’ ng isang dambuhalang power firm na parang ‘lintang’ hinihigit ang kanilang consumers.  

Sana’y hindi pa huli para sa iyong karera, kung itutuwid mo ang iyong desisyon, Ms. Sarah, The Double G.

 

GERA LABAN SA ILOILO
‘JUMPERS’ PATULOY
NA ISINUSULONG
NG LOCAL POWER FIRM

Kung dati ay gatasan lang at walang malasakit sa kanilang consumers ang dating distribution utility sa lungsod ng Iloilo, hindi na ngayon.

Sa panahon ng pandemya na marami ang hindi alam kung paano imamantina ang kabuhayan para sa kanilang pamilya, malaking tulong kung ang mga utility company ay magtatrabaho nang maayos at tama para maging parehas ang singil sa tubig at koryente.

Kaya nga sa Iloilo city, target ito ng bagong distribution utility na More Elctric and Power Corp., (More Power).

Sa kasalukuyan, ang Iloilo ang isa sa may pinakamataas na singil sa koryente at isinisisi ito sa dating namamahala na Panay Electric Company (PECO) dahil umabot sa 30,000 ang nagkokonsumo ng koryente sa sistemang jumper. Kaya ang resulta ay mataas na systems loss na sinisingil sa consumer.

Sa gera ng More Power laban sa illegal connection sa Iloilo City umabot agad sa 4,000 ang nahuling may jumper sa 42 barangays sa loob lamang ng 10 araw. Dito pa lamang ay makikita na ang malakkng problema sa illegal connection.

Nagbanta si More Power Legal Officer Atty. Allana Babayen-on sa mga residenteng patuloy na namumunini sa illegal electric connection na tumigil na dahil seryoso ang power firm na habulin at papanagutin sila sa batas at maaari silang maharap sa pagkakakulong nang hanggang 12 taon bukod pa sa mataas na multa.

Nasa anim katao ang sinampahan ng More Power ng kasong paglabag sa Anti-Pilferage Law. Sinabing sila ay itinuro at napatunayang nasa likod ng sindikato na ginawang negosyo ang pagkakabit ng jumper.

Pinayohan ng More Power ang mga nahulihan ng jumper na huwag nang bumalik sa pagnanakaw ng koryente at sa halip ay mag-apply na ng kanilang sariling legal na kontador ng koryente dahil mas madali at mura na ang proseso.

Kung ako ay taga-Iloilo, susuportahan ko ang kampanyang ito ng More Power na pro-consumer ay tiyak na ligtas pa dahil walang aberya ng sunog mula sa faulty electrical wiring.

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

 

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Sipat Mat Vicencio

Imee Marcos hinayaan babuyin ang amang si Makoy

SIPATni Mat Vicencio HINDI man lamang nagawang ipagtanggol ni Senator Imee Marcos ang kanyang amang …

Dragon Lady Amor Virata

Overstay sa Amerika, deportation parusa ni Trump

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MARAMING Pinoy ang nangangamba ngayon sa Amerika lalo mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *