Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
EDITORIAL logo

EDITORYAL: Gera laban sa ‘jumpers’ isinusulong ng power firm

SA PANAHON ng pandemic na marami ang hirap sa buhay, malaking tulong kung mapabababa ang singil sa koryente at tubig.

Sa Iloillo City, ito ang target ng bagong distribution utility na More Electric and Power Corp. (More Power).

Sa kasalukuyan, ang Iloilo ang isa sa may pinakamataas na singil sa koryente at isinisisi ito sa dating namamahala na Panay Electric Company (PECO) dahil umaabot sa 30,000 ang jumper na koneksiyon ng koeyente sa lalawigan, kaya ang resulta ay mataas na systems loss na sinisingil sa consumers.

Sa inisyal na hakbang ng More Power sa kanilang ‘gera’ laban sa illegal connection sa Iloilo City ay 4,000 agad ang nahuling may jumper sa 42 barangay sa loob pa lamang ng 10 araw. Dito ay mahihinuhang ang malalang problema sa illegal connection.

Nagbanta si More Power legal officer Atty. Allana Babayen-on sa mga residente na patuloy na nakikinabang sa illegal electric connection na tumigil na dahil seryoso ang power firm na habulin sila at papanagutin sa batas at maaari silang maharap sa pagkakulong ng hanggang 12 taon bukod pa sa mataas na multa.

Nasa anim katao ang sinampahan ng kaso ng More Power ng paglabag sa Anti-Pilferage Law. Sila ay itinuro at napatunayang nasa likod ng sindikato na ginawang negosyo ang pagkakabit ng ‘jumper.’

Pinayohan ng More Power ang mga nahulihan ng jumper na huwag nang bumalik sa pagnanakaw ng koryente at sa halip ay mag-apply ng kanilang sariling legal na kontador dahil mas madali at mura na ang proseso.

Marami ang nagsasabi, kung sila ay taga-Iloilo, susuportahan nila ang kampanya ng More Power dahil klarong pro-consumer ay tiyak na ligtas sa panganib. Walang aberya ng sunog mula sa faulty electrical wiring.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kapag tama ang paggamit ng pondo, lahat tayo panalo

AKSYON AGADni Almar Danguilan SA RAMI ng ingay na nilikha ng balita tungkol sa pagbabalik …

Aksyon Agad Almar Danguilan

500k TPMM raliyista safe sa seguridad ng QCPD

AKSYON AGADni Almar Danguilan HINDI sapat ang salitang “Salamat QCPD” sa pagbibigay seguridad sa halos …

Dragon Lady Amor Virata

Si general social media at tv ang gusto, ayaw sa diyaryo, para sikat!

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata SINO itong General na binara-bara ang mga diyarista at …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Tsismis vs katotohanan

AKSYON AGADni Almar Danguilan MARAMI nang naganap na pagdinig sa Blue Ribbon Committee tungkol sa …

Sipat Mat Vicencio

Chiz, Jinggoy ‘patay na ang karera sa politika’

SIPATni Mat Vicencio DAHIL sa iba’t ibang kontrobersiyang kinakaharap nina Senator Chiz Escudero at Senator …