NAGLULUKSA sa pagpanaw ni dating Senador at Manila Mayor Alfredo S. Lim ang Apostolic administrator ng Archdiocese of Manila na si Bishop Broderick Pabillo.
Ayon kay Pabillo, napakaraming nagawa ni Lim sa kanyang pagsisilbi sa bansa at sa Lungsod ng Maynila kaya maaalala niya bilang opisyal na nagbigay ng libreng edukasyon at serbisyo medikal sa mahihirap na mamamayan sa lungsod.
“I condole with the family of Mayor Lim. May God give him eternal rest,” ang pahayag ni Pabillo, kasabay ng pahayag na lahat ng simbahan sa Intramuros ay nakikidalamhati sa pagpanaw ni Lim.
Ayon kay Pabillo, “As the father of the city, Mayor Lim frequented the Manila Cathedral during special events and maintained a good relationship with the Church.”
Ang Archdiocesan Shrine of Sto. Niño sa Tondo, ay nakidalamhati sa mga naulilang pamilya ni Lim.
Mababasa sa Facebook post ng simbahan, “We want to convey our heartfelt condolences to those left behind by former Mayor Alfredo S. Lim.”
Tiniyak ni Pabillo, sabay-sabay na ipapanalangin ang kaluluwa ni Lim sa lahat ng kanilang misa sa lungsod.