Friday , November 15 2024
Bulabugin ni Jerry Yap
Bulabugin ni Jerry Yap

PPE local manufacturers pinahihirapan ng FDA, Chinese companies aprub agad mabilis pa sa kidlat (Para sa license to operate)

IBA’T IBANG artikulo ang nababasa natin na hinihikayat ang local manufacturers ng surgical masks, personal protective equipment (PPEs), test kits, ventilators, at iba pang medical products na kailangang-kailangan ngayong may pandemyang COVID-19.

         Isa sa ipinanghihikayat ay pagbibigay umano ng tax exemptions sa local manufacturers.

        Pero ang tax exemptions ay nasa Senate Bill 1579 pa lang ni Senator Francis “Kiko” Pangilinan o ang Pandemic Protection Act of 2020.

        Sa SB 1759, ang importasyon ng capital equipment, spare parts and accessories, raw materials, at iba pang kailangang articles ay dapat na exempted sa custom duties, VAT, at iba pang taxes & fees gaya ng import processing fees at iba pang bayaring ipinapataw ng Bureau of Customs (BoC), Food and Drug Administration (FDA), at iba pang ahensiya ng gobyerno.

Kapag naging batas ito, ang mga finish critical products, ganoon din ang mga serbisyo ay hindi dapat patawan ng VAT. Kung ano-ano ito ay dapat na nakapaskil sa website ng Bureau of Internal Revenue (BIR) sa pamamagitan ng Revenue Memorandum Circular.

        Uy mayroon palamg panukalang ganyan si Senatr Kiko?!

        Pero may dapat po kayong malaman Mr. Senator.

Alam ba ninyong maraming local manufacturers ang desmayado sa sistema ngayon ng Food and Drug Administration (FDA)?

Dahil panahon nga po ng pandemya ngayon at nakikita ng mga lokal na mamumuhunan, lalo na ‘yung ang mga negosyo ay nakasara ngayon, naisip nilang mag-iba ng linya para hindi mawalan ng trabaho ang mga empleyado nila kaya naisipan nilang pumasok sa personal protective equipment (PPEs), face mask, test kits, ventilators, at iba pang medical products na kailangang-kailangan ngayon.

Isa sa mga rekesitos diyan ay aplikasyon sa FDA para sa kanilang License To Operate (LTO). Marami ang tumalima sa hanay ng local manufacturers pero kung inaakala ninyong maaprobahan kaagad ang kanilang aplikasyon, nagkakamali po tayong lahat.

Dahil sa gitna ng pandemya, mas malupit pa sa CoVid-19 ang ‘red tape’ sa FDA. Inabot na ng kung ilang buwan ang kanilang aplikasyon — idineklara nang general community quarantine (GCQ) ang buong bansa at muli na namang naibalik sa modified enhanced community quarantine (MECQ) pero hanggang ngayon hindi pa rin sila nabibigyan ng license to operate.

Kaya kahit anong pagsusumikap nilang makagawa ng mga PPE, face mask, at iba pang pangangailangan wala silang magawa dahil parang ‘inipit na sa limot’ ang kanilang aplikasyon sa FDA.

Pero ang higit na ikinasasama ng loob ng mga local manufacturer kapag nagpa-follow-up sila ng kanilang aplikasyon, nakikita nilang ang bilis magbigay ng LTO ng FDA sa mga dayuhang manufacturer.

Alam po ba ninyo kung ano ang magic word?

Dyaraaaaan!

Ang magic word is ‘Kuya Allan’ the wonder name.

Ano bang magic mayroon si ‘Kuya Allan’ at mabilis pa sa alas-kuwatrong nabibigyan ng LTO ang mga nagsisipag-apply na manufacturer kahit dayuhan? Lalo na raw ‘yung mga singkit na manufacturer, aprub agad sa tanggapan ni FDA Director General Bayani San Juan?

Hindi ba kayang idireksiyon ng FDA sa kagyat na pangangailangan ng bansa ang ahensiya lalo ngayong may pandemya?!

Sino ba ang mas matimbang sa inyo Director General San Juan ngayong pandemya, ang ating mga kababayan na dapat paglingkuran o si ‘Kuya Allan’ na ‘nong-ni’ ng mga dayuhang singkit?!

Ano ba ang nangyayari sa ahensiya ninyo FDA Director General San Juan?

O baka naman mas gusto ninyong si Anti-Red Tape Authority (ARTA) chief, Atty. Jeremiah Belgica ang pumasyal sa inyo para alamin kung bakit hanggang ngayon ay nabibinbin ang aplikasyon ng mga local manufacturers para sa kanilang license to operate?!

Gano’n ba ‘yun ‘Kuya Allan?’

Naku, ayaw ni Senator Bong Go nang ganyan.

Kahit sino ka pang ‘Kuya Allan’ ka, ipatatawag ka sa Senado ni Sen. Bong Go!

Arayku!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Sipat Mat Vicencio

Imee Marcos hinayaan babuyin ang amang si Makoy

SIPATni Mat Vicencio HINDI man lamang nagawang ipagtanggol ni Senator Imee Marcos ang kanyang amang …

Dragon Lady Amor Virata

Overstay sa Amerika, deportation parusa ni Trump

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MARAMING Pinoy ang nangangamba ngayon sa Amerika lalo mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *