Saturday , November 16 2024
Philhealth bagman money

P15-B pondo ng Philhealth ibinulsa ng ‘mafioso’

AABOT sa P15 bilyong pondo ng Philippine Health Insurance Corp. (PhilHealth) ang sinabing ‘ibinulsa’ ng mga miyembro ng ‘mafia’ sa loob ng state-run health insurer sa taong 2019, ayon sa dating anti-fraud officer na tinawag itong ‘crime of the year.’

Sinabi ni Atty. Thorrsson Montes Keith sa Senate hearing kahapon lahat umano ng miyembro ng executive committee ng PhilHealth ang bumubuo sa ‘mafia’ na matagal na umanong dinadaya ang korporasyon sa mga nakaraang panahon.

Si Keith na nagbitiw noong 23 Hulyo 2020 ay umaming ang trabaho niya bilang anti-fraud legal officer ng PhilHealth ay nagbigay sa kanya ng lisensiyang tiktikan ang tiwaling opisyal at empleyado sa ahensiya.

“What I have discovered in PhilHealth may be called ‘crime of the year,’” ani Keith.

“I believe, based on my investigation, that the (public) money that had been wasted or stolen was more or less P15 billion,” pahayag ni Keith.

Ibinunyag din ni Keith na inutusan siya ni PhilHealth President and CEO Ricardo Morales na kausapin si Commissioner Greco Belgica, ng Presidential Anti-Corruption Commission, upang ‘hilutin’ ang imbestigasyon sa sinabing overpriced testing kits para sa COVID-19.

Binansagan ni Keith ang dating boss na ‘tagapagkanlong’ o ang ‘bagong lider’ ng mafia, na mabilis na itinanggi ni Morales.

“I refused to heed his order and told Morales, ‘What would Belgica think of me if I ask him about that issue?’ He was surprised by what I told him,” testimonya pa ng nagbitiw na opisyal ng PhilHealth.

Matapos itanggi ang alegasyon bilang bahagi ng ‘annual bash’ laban sa PhilHealth, inamin ni Morales na malaganap pa rin ang iregularidad sa health insurance agency sa kabila ng utos ni Pangulong Rodrigo Duterte linisin ito laban sa korupsiyon.

Isang retired Army brigadier general at dating rebel soldier, si Morales ay itinalaga ng Pangulo noong nakaraang taon nang bumaba sa puwesto ang sinundan niya si Roy Ferrer, bunsod rin ng mga alegasyong malawakang pandaraya at panloloko sa PhilHealth.

Base sa pagbubunyag ng whistleblowers, nawalan ng P154 bilyones ang PhilHealth sa iba’t ibang uri ng pandaraya, kabilang ang reimbursements para sa “ghost” dialysis patients, overpayments, false claims, at “upcasing” ng mga pangkaraniwang karamdaman.

Ayon sa PhilHealth chief, aabot sa P10.2 bilyong pondo ng ahensiya ang nawala sa panloloko noong 2019 at maaari pa itong lomobo hanggang P18 bilyon sa susunod na taon kung hindi pa rin matitigil ang mga iregularidad.

“If this cycle continues, this body (Senate) might have to make the fateful decision to pull the plug on this organization,” ani Morales.

Aniya, “PhilHealth was not perfect, but I believe it would take less to fix it than bury it and create a new organization altogether.”

About hataw tabloid

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *