DALAWANG Filipino ang iniulat na namatay at anim ang sugatan sa dalawang magkasunod at malalakas na pagsabog sa Beirut, Lebanon, kahapon, kompirma ng Department of Foreign Affairs (DFA).
“Per latest report from the Philippine Embassy, 2 Filipinos have been reported killed and 6 injured. All were in their employers homes during the explosion,” pahayag sa mga mamamahayag ni Foreign Affairs Assistant Secretary Ed Menez ngayong umaga, 05 Agosto, Miyerkoles.
Nakikipag-ugnayan na umano ang Philippine Embassy sa Filipino community sa Lebanon upang matasa nang maayos ang sitwasyon upang makapagbigay ng tulong sa mga apektadong Filipino, pagtitiyak ng DFA.
Ayon kay Menez, tinatayang may 33,000 Filipino ang kasalukuyang nasa Lebanon, 75% nito ay nasa Greater Beirut area.
Sa mga nangangailangan ng tulong, maaaring tawagan ang Philippine Embassy sa mga sumusunod na numero ng telepono +961 3859430, +961 81334836, +961 71474416, +961 70681060, at +961 70858086; Email sa [email protected] at Facebook: Philippine Embassy in Lebanon