ISUSULONG ni Senator Christopher Lawrence “Bong” Go ang pagkakaroon ng karagdagang pondo para sa pagbili ng bakuna para sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) upang mas maraming mamamayan ang mapagkalooban nito.
Ayon kay Go, karagdagan ito sa P20 bilyon na una nang inilaan ng Department of Finance (DOF) para makabili ng bakuna para sa 20 milyong indibidwal.
“In addition to the P20 billion that the Finance Department is setting aside to procure COVID-19 vaccines to cover 20 million of our people, as chair of the Senate Committee on Health, I will also push for additional funds for the purchase of the same,” ayon kay Go.
“Ito’y upang upang mas marami pang mga kababayan natin, lalo ang pinakanangangailangan, ang mabigyan ng libreng bakuna. Ito ay linsunod na rin sa kagustuhan ni Pangulong Rodrigo Duterte na mabigyan ng bakuna lalo ang mga poorest of the poor and other vulnerable sectors,” aniya.
Kaugnay nito, muling umapela ang senador sa pamahalaan na ngayon pa lang, habang wala pa aniyang bakunang dumarating sa bansa, ay magkaroon na ng isang national vaccine program.
“Dapat pantay-pantay at uunahin ang mahihirap at vulnerable sectors,” aniya pa.