Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
npa arrest

3 Sayaff nalambat ng NBI sa Taguig at Sampaloc, Maynila

NALAMBAT ng mga ahente ng National Bureau of Investigation (NBI) ang tatlong miyembro ng Abu Sayaff Group (ASG) sa serye ng operasyon nitong Hulyo 17, 20 at 21 sa magkakahiwalay na lugar sa Taguig at Sampaloc, Maynila.

 

Kinilala ni NBI Director Eric Distor ang mga ASG  member na sina Ben Saudi alyas Erie; Ajvier Kuhutan, alyas Jaber; at kapatid nitong si Adzmi  Kuhutan alyas, Osein/Abduraya.

 

Sa report, sangkot ang tatlong naaresto sa pagkidnap sa anim na miyembro ng Christian Religious Sect sa Patikul, Sulu noong 20 Agosto 2002 at kasama sa Order of Arrest, naka-dock sa ilalim ng Criminal Case No. 128923-H A to E para sa anim na kaso ng “Kidnapping at Serious Illegal Detention with Ransom” na kasalukuyang nakabinbin sa Taguig City Regional Trial Court, Branch 271.

 

Ayon sa report, nahuli ang mga suspek ng NBI Counter-Terrorism Division (NBI-CTD) sa pakikipagkoordinasyon sa Special Action Force-Rapid Deployment Battalion ng Philippine National Police (PNP) at counterparts mula sa Armed Forces of the Philippines (AFP).

 

Noong 13 Hulyo isang testigo ang kumilala kay Erie, kaya noong 17 Hulyo, inaresto ng mga awtoridad.

 

Habang si Jaber, na isa sa perimeter guard ng ASG, ay naaresto noong 21 Hulyo sa Sampaloc, Maynila matapos kilalanin sa police line-up.

 

Nabatid na si Osein o Abduraya, ay miyembro ng mga nagbantay sa mga kinidnap na biktima at nakatatandang kapatid ni Jaber, ay nadakip noong 21 Hulyo nang sumama sa kanyang mga kaanak sa NBI detention facility para kunin ang mga gamit ni Jaber.

 

Hiniling ng NBI na ipresinta ni Adzmi ang kanyang barangay ID at pinahubad ang facemask para maberipika kung siya nga ang larawan sa ID pero nang alisin ang kanyang face mask lumabas na siya ang taong kinilala ng testigo na si Osein/Abduraya.

 

Nasa kustodiya ng NBI, ang tatlo at hinihintay na lamang ang mga dokumento para mailipat sila sa Special Intensive Care Area (SICA), BJMP sa Taguig City. (VV)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …