SA BOTONG 22-1, inaprobahan ng Senado sa ikatlo at huling pagbasa ang Bayahihan 2 na pinaglaanan ng kabuuang P140 bilyon para sa economic recovery intervention sa gitna ng pandemyang COVID-19.
Halos dalawang buwan ang nakalipas bago inaprobahan ng Senado para maging batas ang Senate Bill 1564 o Bayanihan Law 2 na layong mabawasan ang epekto ng COVID-19 kaugnay ng socio-economic well-being ng mga Filipino.
Gaya ng Bayanihan 1, ang Bayanihan 2 ay isang socio-economic package sa pamamagitan ng subsidies at iba pang paraan gaya ng relief, trace, at magamot ang mga infected ng COVID-19 sa bansa.
Sa nakaraang State of the Nation Address (SONA) ng pangulo binanggit niyang hihilingin sa kongreso na ipasa na ang Bayanihan 2 bilang batas. (CYNTHIA MARTIN)