Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
P4P Power for People Coalition

Clean energy advocates, desmayado sa SONA

DESMAYADO ang mga konsumer at grupong nagsusulong ng malinis na koryente sa kinalabasan ng ika-limang State of the Nation Address (SONA) nitong Lunes dahil sa kawalan ng mga plano para sa sektor ng enerhiya sa mga solusyong inilatag ni Pangulong Duterte sa paglaban ng bansa sa COVID-19.

Bago ang SONA, mariin nang isinusulong ng Power for People Coalition (P4P) ang mga reporma sa koryente, ayuda para sa mga konsumer, at pagpapalago sa renewable energy bilang susi sa pagbangon ng mamamayan mula sa COVID-19, at sa pagpapabuti ng kalidad ng buhay ng mga Filipino sa hinaharap.

“Desmayado kami na hindi binigyang tibay ng pangulo ang direktiba niya sa Kagawaran ng Enerhiya noong nakaraang SONA na bawasan ang paggamit ng bansa ng coal. Ni hindi nabanggit ang pagpataw ng anumang parusa kay Secretary Al Cusi, na nanindigan sa pagpapatupad nito ng ‘technology-neutral approach’ kahit na direktang paglabag iyon sa panuto ng pangulo,” sabi ni Gerry Arances, Convenor ng P4P.

Pinuna ni Arances na hindi rin nabigyang pansin ang hirap na dinanas ng mga konsumer sa sobra-sobrang paniningil ng Meralco habang quarantine.

Aniya, “Tiyak na hindi rin natutuwa ang mga konsumer sa buong bansa na bagaman sinabihan ng pangulo ang mga pribadong kompanya ng koryente na ayusing ang serbisyo nila, walang naibigay na katanggap-tanggap na resolusyon sa mga problema sa koryenteng dinaranas natin ngayon. Hindi nabanggit ang abusadong paniningil ng Meralco, agarang ayuda para sa mga konsumer na biktima ng kawalan ng kabuhayan dahil sa COVID-19, at renegosasyon ng mga kontrata sa koryente na hindi makatarungan para sa mga konsumer.”

Pinuri ng P4P ang pagkilala ng pangulo na kayang-kaya ng solar energy na mabigyan ng koryente ang Last Mile schools, ngunit idiniin ng grupo na hindi rin naman pahuhuli ang solar at iba pang renewable na enerhiya sa kakayahang magbigay ng koryente sa mga pagawaan, kabahayan, at opisina sa mga siyudad, tulad ng coal o karbon.

Aniya, dahil dalawang taon na lamang ang natitira sa termino ng Pangulo, hindi na dapat siya nagpapatumpik-tumpik sa pagpapatupad ng reporma sa sektor ng enerhiya at paglipat sa mas malilinis na mapagkukuhaan ng koryente.

“Wala na tayong oras para hintayin na mapagtanto ng pangulong hindi dapat piliin ang mahal at maruming mapagkukuhaan ng elektrisidad kung inamin na rin niya mismong hindi niya kayang solusyonan ang mga pangangailangan ng bansa. Kontradiksyon ito sa sinasabi niyang ‘non-negotiable’ ang pangangalaga sa mga likas-yaman natin. Hindi puwedeng sabihin ng gobyerno na mayroon na tayong ‘new normal’ habang hindi pa rin naman nakapagpapatupad ng mga repormang magbibigay solusyon sa mga luma na nating problema, Sa lagay natin ngayon, babalik lang din tayo sa ‘old normal’ na magiging mas mahirap na para sa mga marhinadong sektor,” dagdag ng Convenor ng P4P.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …