Monday , December 30 2024

Globe, Google for Education magpalalakas sa digital learning ng mga paaralan

HABANG papalapit ang pagbubukas ng klase, ang mga paaralan at unibersidad ay naghahanda para gamitin at i-maximize ang distance learning kasunod ng  quarantine guidelines ng gobyerno.

Ang Globe ay nakipag-partner sa Google for Education upang matugunan ang lumalaking pangangailangan para sa mas mahusay na academic services at i-transform ang digital learning experience.

Ang Google for Education ay isang ecosystem ng mga produkto, programa at training na nakabalanse sa innovative tools at resources ng platforms.

Sa pamamagitan ng partnership, ang Globe ay magkakaloob ng comprehensive onboarding process, tailor-made teacher training, at strong after-sales support para sa partner schools at institutions sa buong bansa.

“We have seen how technology has powered many industries amid the COVID-19 pandemic. We believe we can do the same for the education sector through blended or fully online learning. Together with Google for Education, we aim to boost the digital learning efforts of the Philippines’ educational system through more accessible, user-friendly, and interactive solutions for parents, teachers, and students,” wika ni Mark Abalos, Segment Head for Education at Globe.

Ang Google for Education ay nag-aalok ng mga sumusunod na serbisyo:

G Suite for Education. Ang platform na ito ay nag-aalok ng best-in-class productivity tools na itinayo para sa classroom, kabilang ang Gmail, Classroom, Docs, Spreadsheets, Slides, at Drive. Ang cloud-based technology ay nagbibigay-daan sa collaborative learning nang sa gayon ay magkasabay na mapag-aralan ng mga guro at estudyante ang mga aralin.

Classroom. Sa pamamagitan ng Google Classroom ay magiging mas maayos ang pagtuturo para sa mga guro. Dito ay madaling makagagawa at mapapamahalaan ng mga guro ang mga assignment. Inaayos ng classwork pages ang mga assignment para maging modules nang sa gayon ay mapagaan ng mga guro ang talakayan. Maaari rin silang gumamit ng built-in grading tools sa sync test results at feedback sa isang lugar.

Meet. Ang serbisyong ito ay nagpapahintulot sa mga guro na kumonekta sa mga estudyante ‘virtually’ sa pamamagitan ng secure video calls at messaging. Ang bawat classroom ay maaaring magkaroon ng hanggang 250 participants per call at hanggang 100,000 live stream viewers. Mas pinadadali rin ng meet ang paglahok ng mga guro at estudyante sa classroom, dahil ang bawat klase ay maaaring magkaroon ng dedicated meeting space na may kakaibang link.

Socratic. Tinutulungan ng Google’s AI-powered tutor ang mga estudyante na i-navigate ang learning process sa pamamagitan ng high-quality videos, concept explanations, at online resources. Ang platform ay nag-aalok din ng mga pili at pinag-aralang subject guides para sa mabilis na reference. Kapag kinailangan ng mga estudyante ng paglilinaw, maaari nilang gamitin ang built-in voice at photo input para magtanong.

Read Along. Maaaring paghusayin ng mga estudyante ang kanilang literacy skills sa pamamagitan ng speech-based reading tutor. Ang platform na ito ay nagkakaloob ng expressive at animated reading assistant upang mapanitili at matulungan ang mga estudyante sa pagbabasa. Maaaring makinig ang mga guro sa pagbabasa ng isang estudyante at itama ito.

Google Forms. Ang mga guro ay maaaring gumawa ng  forms, surveys, at quizzes gamit ang Google Forms. Sa pamamagitan ng G Suite Integration, maaari silang kumuha ng mga tanong sa Docs at Sheets. Ang pagbibigay ng grade ay mas mabilis at mas madali at automated na ngayon dahil makikita nila ang resulta sa chart, graph, o spreadsheet format. Upang mapanatili ang  integridad, pinipigilan ng locked mode ang mga estudyante na makapag-browse sa ibang websites sa panahon ng pagsusulit.

Chromebook. Ang secure, simple, at powerful device na ito ay madaling ilagay at pangasiwaan. Binubuksan ng Chrome Education upgrade ang full capabilities ng device upang tulungan kapwa ang mga estudyante at guro na mapagtagumpayan ang ‘new normal.’ Ikinokonekta ng App Hub ang mga guro sa Chrome-verified developers upang i-access ang mahahalagang tips at content sa pamamagitan ng grade, subject, at educational goals.

G Suite Enterprise for Education. Maaaring i-upgrade ng academic institutions ang kanilang digital environment sa pamamagitan ng educational tools at security controls. Itinataas ng G Suite Enterprise kapwa ang pagtuturo at pagkatuto sa pamamagitan ng isang institution-wide email database gamit ang GMail, security at  administration controls, at eDiscovery para sa emails, chat, at  files. Makaa-access din ang mga eskuwelahan sa 24/7 support platform via phone, email, at online.

Sa pakikipagpartner ng Globe myBusiness sa Google, maaaring mapagbuti  ng academic institutions ang pangkalahatang edukasyon ng mga estudyante at tulungan silang matuto sa gitna ng ‘new normal.’

About hataw tabloid

Check Also

SM Krus na Ligas 1

Promoting wellness and enhancing healthcare delivery
SM Foundation upgrades vital Quezon City community health center

Refurbished by SM Foundation, Krus Na Ligas Health Center caters to over 73,000 residents of …

Krystall Herbal Oil

Pulikat sa lamig ng panahon pinapayapa ng Krystall Herbal Oil

Back to BasicNATURE’S HEALINGni Fely Guy Ong Dear Sis Fely Guy Ong,          Ako po …

Joel Cruz P25-M 25th anniversay Aficionado 

Joel Cruz mamimigay ng P25-M sa 25th anniversay ng Aficionado 

MATABILni John Fontanilla MAMAMAHAGI ng P25-M ang tinaguriang Lord Of Scents na si Joel Cruz …

BingoPlus Chelsea Manalo Feat

BingoPlus welcomes Miss Universe Asia Chelsea Manalo home

BingoPlus, your comprehensive digital entertainment platform in the country, has always been supportive of Chelsea …

BingPlus PANA feat

BingoPlus empowers brand partners before the year ends

BingoPlus, your comprehensive digital entertainment platform in the country, upheld the Christmas party of the …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *