Tuesday , December 16 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
gun ban

Lalaki, kulong sa putok ng baril  

ARESTADO ang isang lalaki dahil sa pagwawala at pagpapaputok ng baril sa San Andres, Bukid, Maynila.

 

Hawak ngayon ng Manila Police District – Sta. Ana Station (MPD-PS6) ang supek na si Fredelyn Logro, 42, may live-in partner ng 1664 Onyx St., San Andres Bukid, Maynila.

 

Sa ulat, nagsasagawa ng checkpoint ang mga operatiba sa kahabaan ng Roxas St., kanto ng Onyx St., nang lumapit si Melody Untalan, secretary ng Barangay 775 Zone 84 at inireklamo ang suspek na nagpaputok ng baril.

 

Agad pinuntahan ng mga operatiba ang nasabing lugar na inabutang nagwawala ang suspek at naglalakad sa Onyx St., kaya agad naaresto.

 

Narekober sa suspek ang isang .38 kalibre ng baril at limang bala. Nakuha rin sa lugar ang isang basyo ng bala matapos magpaputok.

 

Isasalang sa inquest proceedings sa Manila City Prosecutors Office ang suspek. (VV)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Goitia PCG PH Army

Goitia: Ang Pag-atake sa Escoda Shoal ay Maaaring Ituring na Deklarasyon ng Digmaan

Sinasadyang Karahasan sa Kabuhayan ng Pilipino Ang pagkasugat ng tatlong mangingisdang Pilipino at pagkasira ng …

Brian Poe FPJ Grace Poe

Iba’t Ibang sektor nagkaisa sa paggunita kay FPJ
Suporta para sa legasiya ni FPJ at Grace Poe ipinahayag sa Ika-21 anibersaryo ng pagpanaw

LIBO-LIBONG mamamayan mula sa iba’t ibang sektor ang nagsama-sama upang gunitain ang ika-21 anibersaryo ng …

DOST Region 02 Upskills ST Pen Videography to Boost Scicomm

DOST Region 02 Upskills S&T Pen Videography to Boost Scicomm

The Department of Science and Technology (DOST) Region 02 strengthened its science communication initiatives as …

PTFOMS Recto

Recto: Human security must be central to national security

Executive Secretary Ralph G. Recto has underscored that human security must be central to the …

Joey Salceda

Salceda, walang kinaalaman sa ‘2024 national budget insertions’

MATINDING pinabulaanan ni dating Albay Rep. Joey Sarte Salceda ang paratang na mayron siyang kinaalaman …