IBINAHAGI ni Senate President Vicente Sotto III na nagdesisyon na si Pangulong Duterte na nais niyang ihayag ang kanyang State of the Nation Address (SONA) sa Batasan Pambansa pa rin sa 27 Hulyo, sa kabila ng banta ng COVID-19.
Aniya, patuloy ang pag-uusap ng Malacañang, Senate, at House secretariats para sa mga magiging galaw sa pang-limang SONA ni Pangulong Duterte.
Ibinahagi ni Sotto sa panig ng Senado, walo silang senador na magtutungo sa Batasan, gaya nina Senate Majority Leader Juan Miguel Zubiri, senators Christopher Go, Ronald dela Rosa, Panfilo Lacson, Pia Cayetano, Sherwin Gatchalian at Francis Tolentino.
Aniya, sa umaga ng 27 Hulyo, inaasahan niyang aabot sa 12 senador ang nasa session hall para sa pagsisimula ng 2nd Regular Session ng 18th Congress.
Sa mga unang napag-usapan, limitado rin ang bilang ng mga miyembro ng Gabinete at Kamara, ang maaaring makapunta sa Batasan Pambansa sa SONA 2020.