Saturday , December 20 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

COVID-19 patients sa PGH at San Lazaro halos puno na, Maynila tutulong

 

HANDANG tumulong ang pamahalaang lungsod ng Maynila sa mga “referral hospital” na matatagpuan sa lungsod makaraang magpahayag na halos magamit na ang buong kapasidad nito dahil sa mga pasyenteng may sakit na COVID-19.

 

Kabilang sa mga referral hospital ang Philippine General Hospital (PGH) at San Lazaro Hospital na parehong pinapatakbo ng gobyerno na umabot na sa 80% hanggang 90 % ang mga pasyenteng may sakit na COVID-19 sa kabuuang kapasidad.

 

Sa isang pulong balitaan, sinabi ni Mayor Isko Moreno Domagoso, sa abot ng makakaya ng pamahalaang lungsod ay tutulong ang Manila Health Department (MHD) sa mga nasabing ospital.

 

“DOH hospitals are considered sister hospital of Manila. As long as kaya namin, tutulong kami. Kami rin kase tinulungan ng DOH e,” ani Domagoso.

 

Giit ni Domagoso, hindi nila hahayaan na makapaglakad ang ‘virus’ sa lungsod o dumami pa ang kaso ng COVID-19 sa Maynila kaya’t kailangan nilang makipagtulungan sa national government kontra sa nasabing nakamamatay na sakit.

Sa nasabing pulong balitaan, muling pinaalalahanan ni Sec. Carlito “Charlie” Galvez, Jr., ng National Task Force Against COVID-19, prayoridad sa mga ospital ang mga may severe o critical cases ng COVID-19.

 

Kung mild o asymptomatic ang pasyente, mayroon aniyang mga temporary quarantine facilities ang gobyerno kung saan sila maaaring manatili pansamantala.

 

Batay sa kautusan ng Department of Health, sinabi ni Galvez, ang bawat pampublikong ospital ay dapat na maglaan ng 30% bed capacity para sa mga pasyenteng may COVID-19. (VV)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Laoang Northern Samar PNP

Sa Laoang, Northern Samar
P.1-M cash, alahas isinauli ng nakapulot na magsasaka

PINURI ng pulisya at netizens ang isang magsasaka nang isauli ang napulot na bag na …

Maria Catalina Cabral

DPWH Ex-Usec. Cabral patay sa Tuba, Benguet

HATAW News Team PATAY ang dating opisyal ng Department of Public Works and Highways (DPWH) …

Marikina

Pamamahala sa trapiko at seguridad sa Pasko, tututukan ng Marikina LGU

BILANG paghahanda sa inaasahang pagdagsa ng mamimili at motorista ngayong Christmas season, iniutos ni Marikina …

Water Faucet Tubig Gripo

Tserman ‘di nagbayad ng bill  
Tumana residents pinutulan ng supply ng tubig

MAAARING mag-Pasko na walang tubig ang mga residente ng Barangay Tumana sa Marikina City matapos …

JV Ejercito BIR LOAs

Sen. JV Ejercito hindi pinalampas BIR hearing kahit nasa ospital

NAGAWANG makadalo sa pamamagitan ng virtual hearing si Senator JV Ejercito sa pagdinig ng Blue …