Tuesday , November 26 2024

Ceb Pac, Cebgo flight schedules

ALINSUNOD sa mga regulasyong inilabas ng Inter-Agency Task Force (IATF), at mga limitasyon at restriksiyon mula sa ilang local government units (LGUs), nakatakda ang mga sumusunod na domestic flight ng Cebu Pacific at Cebgo mula 7 Hulyo hanggang 31 Hulyo 2020.

Ang lahat ng mga naunang naka-iskedyul na flight na wala sa listahan sa ibaba ay kanselado.

Maaring makita ang updated na flight schedules sa Cebu Pacific website, https://bit.ly/CEBFlightSchedules

Samantala, ang mga pasahero ng mga kanseladong flight ay maaaring mag-rebook sa alinman sa mga nabanggit na flight sa taas sa pamamagitan ng online booking (bit.ly/CEBmanageflight).

Hinihimok ng Cebu Pacific ang mga pasahero na mag-book ng flight na pinakamalapit sa kanilang uuwian bilang pagsunod sa mga kautusan ng mga awtoridad sa bawat LGU.

Maaaring tanungin ang mga pasahero ng kanilang

kompletong address bago ang kanilang travel date.

Ang pagbibigay ng mali at kulang na impormasyon ay maaaring magresulta sa hindi pagpapasakay sa sa flight.

INTERNATIONAL FLIGHTS

Lahat ng Cebu Pacific international flights ay kanselado mula 7 hanggang 31 Hulyo 2020.

Pinapayohan ang mga pasahero ng kanseladong mga flight na i-manage ang kanilang bookings online sa kanilang website (bit.ly/CEBmanageflight) bago ang nakatakda nilang biyahe.

Maaari nilang ilagay ang buong halaga ng kanilang ticket sa Travel Fund na maaari nilang gamitin sa loob ng isang taon; full refund; o mag-rebook nang libre sa ibang petsa sa loob ng tatlong buwan.

Dahil ito ay itinuturing na ‘developing situation,’ kailangan maging bukas sa mga flight na maaaring madagdag o makansela ayon sa direktiba ng lokal at pambansang pamahalaan.

Makikita sa website at sa official social media accounts ang mga impormasyon para sa mga pasahero.

Pinapayohan din ang mga pasahero na tingnan ang mga email address at mga contact number na kanilang ibinigay sa kanilang pagbo-book para sa mga update kaugnay ng kanilang mga flight.

Ang mga nakapag-book sa pamamagitan ng mga travel agency ay hinihimok na makipag-ugnayan sa mga travel agency bago ang kanilang mga travel date.

Bago magtungo sa paliparan, ugaliing i-check ang real-time Flight Status sa kanilang website https://bit.ly/CEBFlightStatusCheck.

Huwag magtungo sa paliparan kung hindi maberepika at makompirma ang flight schedule.

About hataw tabloid

Check Also

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

The Department of Science and Technology (DOST), in collaboration with Western Mindanao State University (WMSU), …

MOHS Remed Pharmaceuticals

MOHS acquires major pharma company

In pursuit of its strategy of vertical integration of its flagship healthcare and wellness business, …

Krystall herbal products

Produktong Krystall katuwang ng pamilya ng delivery rider sa pag-aalaga ng kalusugan

Back to BasicNATURE’S HEALINGni Fely Guy Ong Dear Sis Fely Guy Ong, Ako po si …

DOST NSTW Cagayan de Oro City

DOST brings nat’l science, technology, and innovation week in Cagayan de Oro City

The Department of Science and Technology is set to hold the 2024 National Science, Technology, …

DOST-PCCI innovation hub to boost enterprises’ growth

In a landmark collaboration aimed at bolstering the nation’s innovation and economic growth, the Department …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *