IMBES gumastos sa lawyer’s fee at publicity para mahabol ang kinanselang legislative franchise at mabawi ang tinanggal na operation permit na umano’y umabot sa P300 milyon, hinimok ng isang opisyal ng Iloilo City na mainam na bayaran ng Panay Electric Company (PECO) ang overbilling nito sa kanilang mga consumers kaysa magkaasuntohan.
Ayon kay dating Iloilo Councilor Joshua Alim, malaki ang pagkakautang ng PECO sa 60,000 consumers ng Iloilo dahil sa overbilling sa monthly electricity consumption na umaabot nang halos 1,000 porsiyento.
“PECO should stop wasting its cash on huge lawyers’ fees in trying to stop the new distribution utility from operating and instead save its cash for the payment of the remaining amount of unrefunded overbilling,” paliwanag ni Alim, nanguna sa mga opisyal ng Iloilo City na nagpaabot sa Kongreso ng pagtutol na ma-renew ang prankisa ng PECO dahil sa palpak na serbisyo nito sa loob ng ilang dekada.
Sinabi ni Alim, dalawa ang overbilling case na kinahaharap ng PECO, ang una ay P1 bilyon na dapat ibalik sa mga consumers resulta ng “over recovery” sa biniling koryente mula sa generation company na Panay Power Corp., noong 2009.
Ani Alim, nagkaroon ng compromise agreement sa nasabing kaso kaya nasa P630 milyon na lamang ang iniutos ng Energy Regulatory Commission (ERC) na i-refund sa consumers.
Ang ikalawang overbilling case ng PECO ay nadiskubreng anomalya ng House Committee on Legislative Franchises sa gitna ng isinasagawa nitong pagdinig, batay sa mga ebidensiyang nakalap at nagkaroon ng mga erroneous meter reading ang PECO dahil sa kanilang sira-sira nang electric meters at lomobo ang bilang ng mga gumagamit ng jumper o illegal power connections na nagresulta ng pagtaas sa singil ng koryente sa kanilang consumers.
Tinukoy ni Alim ang naging technical study ng MIESCOR Logistics Inc., noong 2019 na nagsasabing may 30,000 illegal power connections sa Iloilo City na mas mataas pa ang nakukunsomong koryente kaysa mga lehitmong consumers kaya umabot sa 9.3 porsiyento ang systems loss.
“This is very bad because not only were we paying for the high consumption from illegal power connections but were also overbilled by as much as 1,000 percent,” pahayag ni Alim na inamin ang isyu sa overbilling ng PECO ang pangunahing dahilan kung bakit umayaw ang mga Ilonggo sa serbisyo nito at nanawagan sa Kongreso na huwag nang i-renew ang kanilang prankisa.
“We Ilonggos still oppose PECO returning to operating the electricity distribution system in Iloilo City. The fact that it would rather pay its lawyers and PR consultants huge fees than pay consumers back shows its attitude towards consumers, remains bad,” giit ni Alim.
Samantala ipinagtanggol din ni Alim ang More Electric and Power Corp., (More Power) sa bintang na lumala ang brownout mula nang itakeover nito ang power distribution sa Iloilo, giit ni Alim.
Ang nararanasang brownout ay resulta ng isinasagawang comprehensive preventive maintenance na naglalayong higit na pagbutihin ang serbisyo dahil pinapalitan ang mga luma at sirang pasilidad kompara umano noong panahon ng PECO na nagkakaroon ng madalas na power interruption dahil sumasabog ang mga power lines at nagkakaroon ng overloading.
“The repair and preventive maintenance works that caused the brownouts that PECO is now saying proves the inability of MORE Power to manage the city’s power system came from their own failure to invest in new capital equipment and technology which MORE Power is now solving with its preventive maintenance work,” dagdag nito.
Kaugnay nito sinabi ng Iloilo City Council sa nakaraang public hearing, kinikilala niya ang More Power na nag-iisa at legal na power utility sa lalawigan dahil ito ang may hawak ng legislative franchise mula sa Kongreso at siyang inisyuhan ng certificate of public convenience and necessity (CPCN) ng ERC para makapag-operate bilang Distribution Utility sa Iloilo City.
HATAW News Team