Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Sked ng laro inilabas ng NBA

NEW YORK—Isina­publi­ko  na ng NBA ang komple­tong game schedule at national television schedules para sa TNT, ESPN, ABC at NBA TV para sa ‘seeding games’ na magsisimula sa July 30 –Aug. 14  sa pagpapatuloy ng 2010-20 season.

Ang 22 teams na lalahok sa season ay magsisimula ng laro ng walong seeding games kada isa sa ESPN Wide World of Sports Complex sa Walt Disney World Resort sa Florida.

Sa Huwebes, July 30, ang season ay hahataw  sa TNT sa paghaharap ng Utah Jazz kontra New Orleans Pelicans (6:30 p.m. ET) at LA Clippers na haharapin ang Los Angeles Lakers (9 p.m. ET).

Ilalarga naman ng ESPN ang doubleheader sa Biyernes, July 31 at apat na laro sa Sabado, Aug. 1.  Ang mga maglalaro sa Biyernes ay ang Boston Celtics vs. Milwaukee Bucks (6:30 p.m. ET) at Houston Rockets vs Dallas Mavericks (9 p.m. ET).  Sa Sabado ay maghaharap naman ang Miami Heat at Denver Nuggets (1 p.m. ET).

Ipipresenta naman ng ABC ang mga laro sa Linggo, Aug. 2 sa pagitan ng Portland Trail Blazers at Celtics (3:30 p.m. ET) at Buck kontra Rockets (8:30 p.m ET).

Ang NBA TV ay iti-televise ang pitong laro sa unang linggo ng pag­babalik ng season, na magsisimula sa matchup sa pagitan ng Memphis Grizzlies at Portland Trail Blazers sa July 31 (4 p.m. ET).

Sa pagbabalik ng season, magkakaroon ng maximum na pitong seeding games per day across three venues sa ESPN Wide World of Sports Complex.   Kada team  ay designated bilang home team sa apat na seeding games at ang visiting team sa apat na seeding games.  Ang tip-off time sa kada team’s seeding game, nakatakdang ilaro sa Aug. 13 at 14, na aalamin sa later date para maka­pagbigay ng magandang matchups para sa national audience.  Bilang parte ng restart, ang NBA at ang kanilang broadcast at technology partners ay magsasanib para mapaganda ang game telecasts at makapagbigay ng ‘immersive, interactive viewing experience.’

Ang seeding games ay magtatapos sa Agosto 14.   Kung ang play-in ay required para madeter­mina ang 8th playoff seed sa either conference, ilalarga ito sa Agosto 15-16.  Ang unang round ng 2020 NBA Playoffs ay magsisimula sa Agosto 17.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

UAAP DLSU NU

DLSU panalo sa NU

TINALO ng De La Salle University ang may twice-to-beat advantage na National University, 87-77, nitong …

Bambol Tolentino Alexandra Eala Bryan Bagunas

Eala, Bagunas napiling flag bearer ng Team PH sa 33rd SEA Games sa Bangkok

IPINAHAYAG ni Philippine Olympic Committee (POC) President Abraham “Bambol” Tolentino ang pagpili sa dalawa sa …

ArenaPlus Gilas Pilipinas

ArenaPlus and Gilas Pilipinas team up for the upcoming FIBA World Cup Asian Qualifiers

ArenaPlus renews its sponsorship with Gilas Pilipinas, ahead of the 2027 FIBA World Cup as …

FIFA Futsal Womens

Nangungunang Brazil Makakaharap ang Asian Champion na Japan sa Pag-init ng Futsal Quarterfinals

MGA LARO NGAYON(PHILSPORTS ARENA)6 P.M. – PORTUGAL VS ITALY8:30 P.M. – BRAZIL VS JAPAN MAKAKAHARAP …

Criss Cross King Crunchers

King Crunchers, Sinungkit ang Kasaysayan! Dinurog ang Japan sa Epikong Limang-Set para sa Spikers’ Turf Title

SA WAKAS, nakamit ng Criss Cross ang matagal nang inaasam na korona sa Spikers’ Turf—hindi …

https://www.instagram.com/p/CbrIQt_LxCC/?utm_source=ig_web_copy_link