Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

GM So umayaw sa “Battle of the Grandmasters’ online tournament

TINANGGIHAN  ni GM So ang imbitasyon ng Philippine chess na maglaro sa Battle of the Grandmasters online nitong Hunyo 28.

Hinala ng mga miron sa chess na sariwa pa rin ang  sama ng loob ng world No. 8 player sa  ilang opisyales ng chess sa Pilipinas kung kaya nagdesisyon itong lumipad ng USA noong 2014 para doon na maglaro at tuluyang magpalit ng pederasyon.

Blessing in disquise ang pagpunta ni So sa USA dahil gumanda  ang tinahak niyang career,  ilang world chess champion­ships  ang naibulsa niya kung kaya  sumirit siya sa world ranking.  May pagka­kataon na inokopahan niya ang mataas na posisyon bago lumaglag sa No. 8. Isa sa torneyong hindi makakalimutan ni So ay nang magkampeon siya sa Tata Steel na tinalo niya ang mga de-kalidad at beteranong chess players.

Dahilan ni So ng hindi paglahok sa Battle of the Grandmasters online ay  ”will be unable to play because of the Wi-Fi situation in his present situation,” ayon sa source na malapit sa 26-year-old World Fischer Random Chess champion.

Bagama’t tinanggihan ni So ang imbitasyon, pinasalamatan niya si NCFP president Rep. Prospero Pichay.  Si So ay naghari nung nakaraang buwan sa online Clutch Chess Champions Showdown.

Kumalas si So sa paglalaro sa NCFP dahil sa pagkadismaya sa local sports politics.

Sinungkit ni So ang kampeonato ng Battle of The Grandmasters nuong 2011.   Huli siyang luma­hok ng  torneyo sa Pilipi­nas ay nung  2013 Asian Zonal 3.3 championship sa Tagaytay na kung saan ay tumapos lang siya ng 2nd, pero ganoon pa man ay na-qualified pa rin sa World Cup.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

UAAP DLSU NU

DLSU panalo sa NU

TINALO ng De La Salle University ang may twice-to-beat advantage na National University, 87-77, nitong …

Bambol Tolentino Alexandra Eala Bryan Bagunas

Eala, Bagunas napiling flag bearer ng Team PH sa 33rd SEA Games sa Bangkok

IPINAHAYAG ni Philippine Olympic Committee (POC) President Abraham “Bambol” Tolentino ang pagpili sa dalawa sa …

ArenaPlus Gilas Pilipinas

ArenaPlus and Gilas Pilipinas team up for the upcoming FIBA World Cup Asian Qualifiers

ArenaPlus renews its sponsorship with Gilas Pilipinas, ahead of the 2027 FIBA World Cup as …

FIFA Futsal Womens

Nangungunang Brazil Makakaharap ang Asian Champion na Japan sa Pag-init ng Futsal Quarterfinals

MGA LARO NGAYON(PHILSPORTS ARENA)6 P.M. – PORTUGAL VS ITALY8:30 P.M. – BRAZIL VS JAPAN MAKAKAHARAP …

Criss Cross King Crunchers

King Crunchers, Sinungkit ang Kasaysayan! Dinurog ang Japan sa Epikong Limang-Set para sa Spikers’ Turf Title

SA WAKAS, nakamit ng Criss Cross ang matagal nang inaasam na korona sa Spikers’ Turf—hindi …