SABAY-SABAY ang gagawing pagpapailaw sa magagandang tanawin, pasyalan, tourist spots, at mga gusali sa kabisera ng bansa sa isasagawang pagdiriwang ngayong araw ng ika-449 Araw ng Maynila.
Ayon kina Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso at sa kanyang Chief of Staff Cesar Chavez, magsisimula ang pailaw dakong 6:30 pm.
Ayon kay Charlie Dungo, Director ng Department of Tourism, Culture and Arts of Manila (DTCAM), paiilawan ang Manila Clock Tower, National Museum, Fort Santiago, Central Post Office, Jones Bridge, at Mehan Garden.
Sinabi ni Mayor Isko, ang gagawing selebrasyon, ay bilang pagpupugay sa frontliners na patuloy na humaharap at lumalaban sa COVID-19 bilang sakripisyo para sa bayan.