Saturday , November 16 2024
BIR money

BIR nais imbestigahan sa pagbubuwis sa online sellers

NAGHAIN ng resolusyon si Senator Risa Hontiveros para maimbestigahan ng Senado ang mga ginagawang hakbang ng Bureau of Internal Revenue (BIR) para mabuwisan ang online sellers.

 

Sa inihain niyang Resolution No. 453, nais ni Hontiveros na maimbestigahan ang Revenue Memorandum Circular 60-2020 ng BIR na nag-uutos sa online sellers na magparehistro sa kawanihan at magbayad ng kinauukulang buwis.

 

Nakasaad din sa resolusyon ang hirit ni Hontiveros sa BIR na suspendehin hanggang sa katapusan ng taon ang memo.

 

“Magulo at mahirap sundin ang BIR memo, lalo na’t paiba-iba ang sinasabi ng mga ahensiya ng pamahaalan ukol dito. It is best for everybody’s interests if the BIR suspends the implementation of the memo until December 31, 2020, while government agencies review and craft better policy guidelines on how online entrepreneurs should register or pay taxes,” sabi ni Hontiveros.

 

Pinuna din ng Senadora ang gusto ng BIR na magtungo sa kanilang mga tanggapan ang online sellers para magparehistro sa katuwiran na delikado ito sa kalusugan ng lahat. (CYNTHIA MARTIN)

About Cynthia Martin

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *