Monday , January 12 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Kung may asthma o COPD, hindi dapat magsuot ng face mask sa loob ng mahabang oras

MAHIGPIT ang babala ng mga kinauukulan ngayong panahon ng pandemyang COVID-19 — kailangan palaging magsuot ng face mask lalo kung lalabas ng inyong mga tahanan.

Mayroong ilan na madaling tinanggap ang pagsusuot ng face mask, ilan nga sa kanila ay tinanggap na itong bahagi ng bagong fashion.

Pero paano ang mayroong chronic respiratory condition gaya ng asthma o Chronic obstructive pulmonary disease (COPD)?

Para sa mga taong may ganitong kondisyon ay malaking hamon kapag natakpan ang kanilang bibig at ilong.

Hindi ito nakagiginhawa sa kanila, sa halip, ito ay hadlang para makasagap sila ng hangin na kailangang-kailangan nila.

Kung may face mask, hindi lahat ng carbon dioxide ay nailalabas,  sa halip ay nahaharang nito. Kaya ang nasasagap na hangin ng nakasuot ng face mask ay mas mainit at basa.

Kung ganito na ang nangyayari hindi malayong makaramdan ng suffocation ang nakasuot ng face mask na mayroong respiratory conditions.

Sa kabila nito, mahigpit ang utos ng mga awtoridad lalo kung nasa pampublikong lugar — dapat magsuot ng face mask.

Kaya sa ganitong sitwasyon, ipinapayo natin na huwag magtagal sa mga lugar na kailangan kayong magsuot ng face mask dahil baka lalong makompromiso ang inyong kalusugan.

Alam naman natin ngayong panahon na kapag dumaing kayong nahihirapan huminga ‘e baka maging COVID-19 suspect pa kayo at mailagay sa quarantine.

Kung hindi kailangan lumabas, huwag na pong lumabas para hindi obligadong magsuot ng facemask.

Mag-ingat lagi at maging malinis sa paraang hindi overacting (OA).

Stay safe!

 

 

PARA SA MGA SUKI

We ship and deliver our Krystall Herbal products via LBC express all over the Philippines.

For orders you can send your private message (PM) or text at CP#09152972308.

 

Our Policy:

*Pay first policy before ship the item

*Shipping of item from Monday to Friday including holidays.

*You must pay before 4:00 pm in the afternoon

*We ship and deliver daily via LBC Express

(2-3 days delivery service)

 

Mode of payments:

-Palawan express padala

– LBC

– BDO

* COD is not available

* meet up is not available

For more info: You can call, tel#8-853-0917

Back to Basic
NATURE’s HEALING
ni Fely Guy Ong

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Fely Guy Ong

Check Also

Wish Upon a NUSTAR

NUSTAR Online inilunsad ang Wish Upon a NUSTAR

SA buong taong 2025, itinaguyod ng NUSTAR Online ang kahusayan ng mga Filipino sa pamamagitan ng maayos …

AHOF SM MoA NYE Kapuso countdown to 2026

AHOF leads SM Mall of Asia’s epic NYE Kapuso countdown to 2026

SM Mall of Asia delivers one of the country’s most anticipated year-end spectacles as it …

Purple Hearts Foundation Love Kryzl

Purple Hearts Foundation naghatid- saya sa Year-End Gift-Giving Outreach sa mga karatig-barangay

MATAGUMPAY na naisagawa ng Purple Hearts Foundation sa Kryzl Farmland ang Purple Hearts Foundation Gives Back, year-end outreach …

SM LRTA

SM, LRTA ink MOA for SM City Masinag-LRT-2 Antipolo Station Interconnection Access Bridge

  Light Railway Transit Authority and SM Prime Holdings seals the deal of a Memorandum …

SM MMDA

SM Supermalls and MMDA Launch Smart Mobility and Traffic Information Sharing Project at SM Megamall

SM Supermalls Senior Assistant Vice President, Regional Operations Head, Christian V. Mathay and MMDA Chairman …