Saturday , December 20 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Martial Law ‘di na kailangan — SP Sotto (Kapag may Anti-Terror Law na)

SA KABILA ng pagtutol at kritisismo ng publiko, sinigurado ni Senate President Vicente Sotto III na hindi na kakailanganin pang magdeklara ng martial law sa bansa oras na maisabatas ang kon­trobersiyal na anti-terrorism bill.

Marami ang nag­pahayag ng pagtutol sa pagpasa ng Kongreso sa naturang panukala sa takot na maging target ang mga indibiduwal na magpapahayag ng kanilang saloobin laban sa gobyerno.

“Ang hinihiling ng Kongreso, kung mapa­palitan natin ‘yung Human Security Act, sapagkat ‘yung Human Security Act natin, ‘yung kasalukuyan nating anti-terror bill natin, ito ang pinakamahina sa buong mundo, hindi lang dito sa part ng Asia,” paliwanag ni Sotto sa isang interview.

Dagdag ni Sotto, mayroon lamang apat na pagkakataon na maa­aring ituring na terorista ang isang tao sa ilalim ng Human Security Act.

Itinanggi rin ng Senador na minadali ang paglusot sa Kongreso ng naturang panukala.

Aniya, unang isinulong noong 2018 ang anti-terrorism bill at naaprobahan lamang ng Senado ngayong taon.

Kaya umano ito sinertipikahan bilang urgent ni President Rodrigo Duterte ay upang matapos na ng Kongreso ang kanilang deliberasyon tungkol sa panukala bago mag-adjourn.

“Sinabi ni Presidente sa kanila hindi porke ini-certify na urgent ay minadali. It’s just doing away with the three-day rule,” saad ng senador.

(CYNTHIA MARTIN)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Cynthia Martin

Check Also

Laoang Northern Samar PNP

Sa Laoang, Northern Samar
P.1-M cash, alahas isinauli ng nakapulot na magsasaka

PINURI ng pulisya at netizens ang isang magsasaka nang isauli ang napulot na bag na …

Maria Catalina Cabral

DPWH Ex-Usec. Cabral patay sa Tuba, Benguet

HATAW News Team PATAY ang dating opisyal ng Department of Public Works and Highways (DPWH) …

Marikina

Pamamahala sa trapiko at seguridad sa Pasko, tututukan ng Marikina LGU

BILANG paghahanda sa inaasahang pagdagsa ng mamimili at motorista ngayong Christmas season, iniutos ni Marikina …

Water Faucet Tubig Gripo

Tserman ‘di nagbayad ng bill  
Tumana residents pinutulan ng supply ng tubig

MAAARING mag-Pasko na walang tubig ang mga residente ng Barangay Tumana sa Marikina City matapos …

JV Ejercito BIR LOAs

Sen. JV Ejercito hindi pinalampas BIR hearing kahit nasa ospital

NAGAWANG makadalo sa pamamagitan ng virtual hearing si Senator JV Ejercito sa pagdinig ng Blue …