“MANATILING sangkot. Mahalaga ang boses natin!”
‘Yan ang apela ng ating Miss Universe Catriona Gray tungkol sa dapat nating ikilos kaugnay ng Terror Bill na ang pirma na lang ni Pangulong Rodrigo Duterte ang hinihintay para maging batas.
Pero may silbi pa rin na tumutol ang mas nakararaming mamamayan sa batas na ‘yon na pwede namang hindi maipatupad. At mabuti naman na marami na ring showbiz idols ang isinasatinig ang pagtutol nila sa Terrorism Bill. Hindi naman nag-iisa si Catriona na sa dugo ay Pinay-Australian bagamat mas pusong Pinoy siya kaysa Australiana.
Ipinahayag ni Catriona sa Ingles sa Instagram n’ya ang pagtutol sa Terror Bill na kapag inimplementa ay maraming lalabaging karapatang pantao (human rights).
Proklama ni Catriona: “If a law to fight terrorism is to be contemplated, let the respect and defense of human rights be the paramount consideration.”
Batid naman ni Catriona na “nakakalula” (“overwhelming”) ang mga hamon na dumadagsa sa mamamayan ngayon, kabilang na ang pandemya ng corona virus. Gayunman, hinihikayat pa rin n’ya ang lahat na maging mulat, magsalita, tumutol, huwag magpagapi.
Aniya: “There is so much happening in the world and in our nation right now, and I know a lot of us want to just tune out because it all gets a bit overwhelming. But please, don’t allow that to be the reason we revert into silence and turn a blind eye.
“We need to stay engaged because this is where our voices count. So let’s help each other by creating spaces that help us keep each other informed and help us understand what’s going on.”
Nilakipan n’ya ang Instagram post n’ya ng mga impormasyon tungkol sa mga probisyon sa Konstitusyon ng bansa na may kinalaman sa freedom of expression. Pinatungkulan din n’ya ang paninindigan ng Commission on Human Rights.
Kongklusyon n’ya: “I’m not here to influence you to think a certain way, but I hope I can influence you to think for yourself.”
May hashtag na #JunkTerrorBill ang post n’ya.
Samantala, kabilang sa mga artistang nagpahayag sa social media page nila ng pagtutol sa Terror Bill sina Pia Wurtzbach, Liza Soberano, Kathryn Bernardo, Janine Gutierrez, Nadine Lustre, James Reid, Solenn Heussaff, Agot Isidro, Enchong Dee, at Isabelle Daza.
Pahayag ni Liza: “Please do not take away our voices, our basic human rights!”
Si Nadine naman, sa kanyang Instagram Stories noong Miyerkules, ay nag-post ng drowning na itinatapon sa basurahan ang Terror Bill.
Si Kathryn ay nag-tweet ng hashtag message na #JunkTerrorBillNow.
KITANG-KITA KO!
ni Danny Vibas