PARA hindi mahirapan ang consumers sa pagbabayad ng utility bills agad na iminungkahi ni Sen. Francis Tolentino na gawing ‘three gives’ ang pagbabayad nito.
Nais ng Senador na bayaran ng ‘three gives’ ang mga bayarin sa ilaw, tubig at iba pang bayarin sa bahay sa tuwing nasa state of calamity ang bansa.
Sa Senate Bill No. 1473 o ang “Three Gives Law” na inihain ni Tolentino, layon nitong gawing tatlong hulog o bigay ang mga bayarin sa bahay tulad ng ilaw, tubig at telepono sa lahat ng halaga na babagsak sa due date sa kalagitnaan ng enhanced community quarantine (ECQ) at iba pang kalamidad at emergencies.
Iginiit ng Senador, ang kahalagaan ng panukala para mabawasan ang pasanin ng mga Filipino para maka- survive sa pang araw-araw na kinahakarap na hirap dulot ng pandemia.
Kaya malaki umano ang maitutulong ng panukala sa mga Filipino na lubhang naapektohan ng COVID-19 lalo ang mga nawalan ng hanapbuhay at pagkakakitaan.
Matatandaan, ipinag-utos ng gobyerno ang moratorium sa pagbabayad sa tubig, ilaw, at telephone bills sa mga lugar na idineklarang Luzon-wide ECQ. (NIÑO ACLAN)