PINURI ni Senador Francis “Tol” Tolentino ang desisyon ng Inter Agency Task Force ( IATF) nang payagang lumahok ang mga nagtapos na doktor at nurse at iba pang nasa allied medical courses kahit wala pa silang mga lisensiya.
Ayon kay Tolentino, malaking tulong ito sa sitwasyon ngayon na tumataas ang bilang ng mga nagpopositibo sa COVID-19.
Magugunitang naunang naghain ng resolusyon si Tolentino upang mapahintulutan ang mga nagtapos sa medical courses na makapagtrabaho kaht wala pang lisensiya.
Batay sa kautusan ng IATF, papayagan silang magtrabaho sa public hospitals nang sa ganoon ay makatulong sa ating frontliners.
Matatandaan, ilang medical frontliners na ang namatay at mayroon na rin positibo sa COVID-19, may persons under investigation (PUIs) at persons under monitoring (PUMs) kung kay’t nagkukulang ang frontliners.
(NIÑO ACLAN)