KINOMPIRMA ni Mayor Abby Binay na mayroong 14 positibong kaso ng COVID-19 sa lungsod.
Ngunit tumanggi ang alkalde na tukuyin isa-isa ang mga pasyente gayondin kung saang lugar sa Makati sa pangambang mag-panic ang kanilang constituents.
Ayon kay Binay, sa kasalukuyan ay kanilang imino-monitor at ginagawa ang lahat ng paraan para gumaling sila.
Ayon kay Binay, kalimitan sila ay mag-asawa, kasambahay o driver ang nahawaan dahil sa kanilang madalas na pagiging magkakasama.
Ani Binay, kapag may nagpositibo, agad silang nagsasagawa ng contact tracing gayondin ng fumigation sa tahanan ng pasyente.
Paglilinaw ni Binay, hindi mamamayan ng Makati ang pumanaw na COVID-19 patient sa Makati Medical Center.
Sa ngayon, sinabi ni Binay, may isang mabuting tao ang nagkaloob ng 5,000 pieces 3m mask para sa frontliners ng lungsod at pambili ng 5000 test kits.
(NIÑO ACLAN)