Thursday , December 18 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Sylvia Sanchez Arjo Atayde Ria Atayde
Sylvia Sanchez Arjo Atayde Ria Atayde

Sylvia, napasigaw at napaluha sa MMK nina Arjo at Ria

NAKIKINITA naming hindi nawawala ang mga ngiti ni Sylvia Sanchez bukod pa sa masaya ang buong araw niya kahapon dahil ipalalabas na ang unang programang magkasama ang mga anak niyang sina Arjo at Ria Atayde.

Ang post ni Sylvia kahapon, “Ha ha ha overjoyed! Pagkapanood ko nito napasigaw at tumulo nalang luha ko, goosebumps!!! Isa ito sa mga pinangarap ko #thankuLORD.

Maraming maraming salamat #mmk #abscbn sobra sobra po ang sayang nararamdaman ko ngayon bilang ina salamat po!!  #bucketlist

Abangan! Sa Dec 8 na po #mmk #mmkria #mmkarjo  #mmkarjo&ria #mygreatestloves #mylife #family #siblings #happiness #grateful #blessed #treasures  #priceless #treasures #Proudmom. Haping-happy ang afternoon.

Bina­balik ko po ang papuri sayo Panginoong JESUS,” ito ang masayang post ni Sylvia kahapon habang tinatapos namin ang kolum namin.

Sa Sabado, Disyembre 8 ay mapapanood ang unang Maalaala Mo Kaya episode nina Arjo at Ria na kinunan sa Romblon na nanatili ng limang araw ang magkapatid mula sa direksiyon ni Giselle Andres.

Matatandaang kapag natatanong si Sylvia kung sino ang gusto niyang makatrabaho sa mga susunod niyang proyekto ay parati niyang sinasabi na sana mabigyan siya ng pagkakataong makasama sina Arjo at Ria.

Nangyari naman dahil first teleserye ni Ria na Ningning (2015) ay kasama niya ang nanay niya. Samantalang si Arjo naman ay nakasama ang ina sa Hanggang Saan nitong 2017-2018.

Bagama’t nakasama na ni Sylvia ang mga anak ay pangarap din niyang magsama silang tatlo.

Anyway, si Ria rin pala ay pangarap na makatrabaho ang kuya Arjo niya.

Ang post ni Ria kahapon, “After about two months of planning, we were finally able to shoot our MMK episode and I’m so excited for all of you to see it at the end of this week since I joined the industry, I wanted nothing more than the opportunity to work with @arjoatayde so this is another dream come true. Thank you @mmkofficial for not only letting us bring to life the beautiful story of environmentalists Armin and Rosedel Marin but for also reminding us that this country’s beauty and future are definitely worth fighting for. Please catch our episode, under the direction of Direk Giselle Andres, this December 8 (Saturday) at 8:30pm on ABSCBN.”

FACT SHEET
ni Reggee Bonoan

Rainbow’s Sunset,  malakas ang laban bilang Best Picture

Rainbow’s Sunset, malakas ang laban bilang Best Picture

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …

Pokwang Apology brother

Pokwang na-nega sa paghingi ng ‘sorry’ para sa kapatid, mambabatas binara

PUSH NA’YANni Ambet Nabus HINDI maganda ang naging reception ng netizen sa apology ni Pokwang on behalf …

Coco Martin Nicole

Coco ‘kinuha’ anak ni Katherine Luna

MA at PAni Rommel Placente KINUHA ni Coco Martin ang anak ng dating aktres na si Katherine Luna na …

Will Ashley Dustin Yu Bianca De Vera

Will deadma sa pagsasabong sa kanila ni Dustin

RATED Rni Rommel Gonzales MALAYO na talaga ang narating ni Will Ashley! Ngayon kasi ay bida …

Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel, Kaila hulicam pagka-sweet sa concert

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez HINDI nakaligtas sa mapanuring netizens ang pagpapakita ng ka-sweet-an nina Daniel Padilla at Kaila …