Saturday , January 10 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
30th Southeast Asian Games SEAG
30th Southeast Asian Games SEAG

PH kompiyansa sa SEAG

TIWALA ang Filipinas na kaya nilang magtapos sa top three countries sa paparating na 30th Southeast Asian Games na dito gaganapin sa susunod na taon.

Ito ay ayon kay Philippine delegation chef de mission Monsour del Rosario matapos ang ginanap na official SEA Games countdown sa Bayanihan Park sa Angeles City, Pampanga kamakalawa.

Idiniin ni Del Rosario na ito ang makatarungang hamon niya sa mga atletang Filipino dahil masyado aniyang magiging malaking pressure ang hingin agad ang overall championship matapos ang ikaanim na pagtatapos sa nakaraang 2017 SEAG sa Malaysia.

We all want that overall trophy. I want that. But I don’t want to promise that we will win the overall championship,” ani Del Rosario.

“Ayokong pangunahan. Ang gusto ko modest lang ako sa target projection ko na top three.”

Isa aniya sa dahilan kung bakit posible ang top three finish ng bansa ay dahil sa pagiging host country nito.

Bilang host kasi, may kapangyarihan ang Filipinas na siyang pumili ng mga partikular na events sa 56 sports na naaprobahan na ng SEAG Federation Council para sa pinakamalaking biennial event sa rehiyon ng Southeast Asia.

“Iyon din ang advantage natin as host. A lot of our neighbors are not expected to field a team in all 56 sports. Now, if we can parade a formidable national team in all sports, may tsansa talaga tayo,” saad niya.

“Alam ko, kaya ng team mag-top 3 pero kung kaya ng team mag-overall champion,  mas masaya ang Pasko natin sa 2019.”

Ayon kay Del Rosario, malaking tulong ang homecourt advantage lalo’t may dagdag na inspirasyon ang mga atletang Pinoy.

“Iba kapag lumalaban ka sa harap ng mga kababayan mo e. Na-experience ko iyon. Iyong parang babagsak ka na pero babangon ka pa rin dahil sa homecrowd. It is an added push,” dagdag niya.

“Kaya alam ko ibibigay ng mga atleta natin ang buong puso nila.”

Magbubukas ang SEAG sa 30 Nobyembre sa Philippine Arena sa Bocaue, Bulacan.

Ngunit hindi iyo ang magiging tahanan ng SEAG, bagkus ay sa itinatayong world class facility na New Clark City Sports Complex sa Capas, Tarlac na sisibol ang IAAF-certified na 20,000-seater athletics stadium, FINA-standard na 2,000-seater aquatics center gayondin ang unang athletes’ village sa bansa.

Ito ang unang major sports facility na ipinatayo ng pamahalaan simula nang gawin ang Rizal Memorial Sports Complex sa Maynila noong 1934.

Inaasahang nasa 10,000 ateleta ang dadalo rito sa bansa mula sa 11 bansa ng Southeast Asia para sa misyong maging hari ng palakasan sa naturang rehiyon.

Huling nagwagi ng overall na kampeonato ang bansa noong 2005 na huli rin nag-host ng SEAG ang Filipinas.

 

ni John Bryan Ulanday

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About John Bryan Ulanday

Check Also

POC Bambol Tolentino PhilCycling Dato' Amarjit Singh Gill

12 bansa kumpirmado na para sa Asian track championships sa Tagaytay CT Velodrome

BUMALIK sa Pilipinas ang ika-45 Asian Cycling Confederation (ACC) Track Championships matapos ang 31 taon, …

PSC Pato Gregorio NGAP

Asian Tour Series PH Leg sa Pebrero na

ALINSUNOD sa malawakang kampanya ng pamahalaan para sa sports tourism, pangungunahan ng Philippine Sports Commission …

Boracay Platinum International Open Water Swim Race

Boracay Platinum International Open Water Swim Race, nakatakdang idaos sa Marso 2026

ISLAND NG BORACAY, Malay, Aklan — Bilang bahagi ng pagdiriwang ng ika-70 anibersaryo ng Lalawigan …

PFF FIFA Futsal

PFF pinuri mga ‘unsung heroes’ sa likod ng tagumpay ng Futsal Women’s World Cup

ANG pagho-host ng Pilipinas sa kauna-unahang FIFA Futsal Women’s World Cup ay nagpakita hindi lamang …

Pato Gregorio PSC PHILTA

Paris Olympic silver medalist Krevic, world No. 45 Maria nanguna sa maagang listahan ng mga kalahok sa PH Open

PANGUNGUNAHAN ng dating world No. 2 at Paris Olympic silver medalist na si Donna Krevic …