Friday , March 28 2025

Israel tutulong sa kontra terorismo sa Ph

MALAKI ang maitutulong ng Israel sa Filipinas sa paglaban sa terorismo.

Ito ang inihayag ni Special Assistant to the President Christopher “Bong” Go sa benepis­yong makukuha nang pagbisita ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Israel sa susunod na buwan.

Paliwanag ni Go, may anti-terror capabilities ang Israel na maaaring iba­hagi sa Filipinas na ma­katutulong sa pagsugpo ng pamahalaan sa mata­gal nang problema ng terorismo sa ilang bahagi ng Mindanao.

Isa aniya ito sa mga posibleng mapag­kasun­duan o mapag-usapan sa pagkikita nina Pangulong Duterte at Israeli Prime Minister Benjamin Neta­nyahu.

Nakatakdang lumi­pad si Pangulong Duterte sa Israel sa 3 Setyembre bilang pagtugon sa imbi­tasyon ni Prime Minister Netanyahu at bibisitahin din ni Pangulog Duterte ang Filipino community sa Israel.

ni ROSE NOVENARIO

About Rose Novenario

Check Also

Casino Plus Grand Jackpot Gut Feeling na nauwi sa pagkakasungkit ng ₱30M na Jackpot Prize

Casino Plus Grand Jackpot: Gut Feeling na nauwi sa pagkakasungkit ng ₱30M na Jackpot Prize

NASUNGKIT ng isang adult player mula Luzon ang tumataginting na ₱30,363,000 mula sa Casino Plus …

Automation Election Law ipinatitigil sa SC

IPINATITIGIL sa Korte Suprema nina social media broadcaster at anti-fake news advocates Atty. Mark Kristopher …

SWS ranking ng TRABAHO, lalong tumaas ng puwesto

SWS ranking ng TRABAHO, lalong tumaas ng puwesto

MAS lalo pang gumanda ang puwesto ng TRABAHO Partylist sa pinakahuling survey ng Social Weather …

Pagkakapantay-pantay ng bawat uri ng pamilya isinusulong ng #50 Pamilya Ko

Pagkakapantay-pantay ng bawat uri ng pamilya isinusulong ng #50 Pamilya Ko

OUT of 156 partylists na nagnanais makakuha ng posisyon sa kongreso, namumukod tangi ang adbokasiya …

JESUS IS OUR SHIELD 32nd anniv

Sa kanilang ika-32 taon ng pagkakatatag  
JESUS IS OUR SHIELD MAGDIRIWANG “HIMALA” SENTRO NG ANIBERSARYO

NAKATAKDANG ipagdiwang ng Jesus Is Our Shield ang kanilang ika-32 anibersaryo ng pagkakatatag simula noong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *