PURSIGIDO si Pangulong Rodrigo Duterte na suportahan ang pagtakbo ni Special Assistant to the President Christopher “Bong” Go sa 2019 senatorial election.
Sinabi ni Go, kahit tiyak ang ayuda ni Pangulong Duterte ay tinitimbang pa niya ang situwasyon kung itutuloy ang politikal na karera sa Senado.
Ipinauubaya ni Go kay Pangulong Duterte kung sino ang itatalagang kapalit niya sakaling maghahain nga siya ng kandidatura.
Ani Go, marami namang magagaling at mahuhusay na maaaring italagang kapalit niya sa puwesto ngunit nasa pangulo pa rin ang desisyon.
Mas mataas aniya ang posibilidad na maghain siya ng kandidatura sa pagka-senador kaysa mga nakalipas na linggo.
Sinabi ni Go, maaaring sa huling araw ng paghahain ng COC ay malalaman ang kanyang desisyon.
(ROSE NOVENARIO)