IBANG klase rin talaga ang mga mambubutas ‘este mambabatas sa Kamara.
Talagang maipilit kahit na pilipit ang kanilang bersiyon ng Charter change?!
Anong prinsipyo kaya ang pinagbasehan nila para maisipan na maetsa-puwera ang bise presidente sa rule of succession kung sakaling maindulto ang presidente ng bansa?!
Ang puwede lang daw pumalit sa presidente ay ang senate president…
Hik hik hik…
At ang higit na nakatatawa kung hindi man nakabubuwisit, e ‘yung panukala na magkaroon ng ‘unli-power’ ang mga mambabatas.
Kung dati ay limitado hanggang tatlong termino (halos isang dekada ang full term) ang pagtakbo ng mga mambabatas, ngayon daw ay unlimited na hangga’t gusto umano ng constituents.
Wattafak?!
Moderate your greed naman mga kagulang-gulang ‘este kagalang-galang na kongresista!
Itanong naman ninyo sa mga sarili ninyo kung ano ang nagagawa ninyo para sa sambayanan para ambisyonin ninyong ‘i-mighty bond’ ang mga puwet ninyo diyan sa Kamara?!
Gusto n’yo ba talagang i-mighty bond na kayo sa Kamara sa buong buhay ninyo?!
Kayo rin, baka magkatotoo ‘yan. Sabi nga e, “be careful what you wish for!”
Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com
BULABUGIN
ni Jerry Yap