Sunday , December 22 2024

Pinoys tiwala kay Leni (Duterte sadsad sa ratings, Bongbong, binara ng PET)

Hataw Frontpage PINOYS TIWALA KAY LENI, 2 PRIVATE FIRMS ONLY HINATAW
Hataw Frontpage PINOYS TIWALA KAY LENI, 2 PRIVATE FIRMS ONLY HINATAW

NAG-IIBA na ang ihip ng hangin para kay Vice President Leni Robredo, ngayong lumalakas ang tiwala sa kaniya ng mga Filipino sa iba’t ibang bahagi ng bansa.

Sa Third Quarter Survey na inilabas ng Pulse Asia, nakitang lu­ma­kas ang suporta ng pinakamahihirap na Fili­pino kay Robredo. Mula 50 percent noong Hunyo 2018, umarangkada ito ng 16 percent, kaya nasa 66 percent na nitong Set­yembre 2018.

Umangat rin ang tiwala ng Class ABC sa Pangalawang Pangulo ng 9 percent, at nasa 41 percent na nitong Third Quarter. Kasama nito ang bilib nila sa performance ni Robredo, na nagtala ng 12 percent na pagtaas, patungong 53 percent sa Setyembre 2018.

Malaki ang paglun­dag na ito ng ratings ni Robredo, na nananatili pa rin sa 56 percent trust ratings overall, kompara sa pagsadsad ng tiwala ng masa kay Pangulong Rodrigo Duterte.

Bumulusok sa 72 percent ang overall trust ratings ng Pangulo — kabawasan ng 15 percent. Mula rito, bumaba ang tiwala sa kaniya ng lahat ng miyembro ng iba’t ibang social classes, lalo sa Class D, na siya ay nagtala ng pagbabang 16 percent, patungong 71 percent.

Nabawasan rin ang tiwala ng mga pinaka­mahihirap na Pinoy kay Duterte nang 12 percent.

Tila nawawalan rin ng bilib ang mga Filipino kay Duterte, sa pagbagsak ng kaniyang performance ratings sa lahat ng social classes.

Lumabas ang pag-angat ni Robredo sa survey sa parehong linggo na ibinaba ng Presidential Electoral Tribunal ang kanilang desisyon ukol sa isyu ng shading threshold, para sa recount kaugnay ng electoral protest na isinampa ni Bongbong Marcos laban sa bise presidente.

Pinaburan ng nasa­bing pasya ang kampo ni Robredo, nang kilalanin ng PET na 25 percent threshold ang ginamit ng Comelec noong naka­raang eleksiyon.

Pinabulaanan rin ng Tribunal ang alegasyon ng kampo ni Marcos na nabawasan ng boto si Robredo sa nangyayaring recount.

Ayon kay dating Come­lec commissioner Gregorio Larrazabal, pinagtitibay ng desisyon ng PET na 25 percent ang threshold na ginamit noong 2016 elections.

“In fact, iyong desisyon ay un­ani­mous,” aniya. “Dalawa lang ang hindi naka-sign kasi on official leave sila, pero lahat ng Supreme Court Justices, nag-confirm na tama iyong desisyon.”

HATAW News Team

About hataw tabloid

Check Also

Zamboanga del Norte

Supplemental budget nakabinbin
OPS NG PROV’L AT DISTRICT HOSPITALS, IBANG PAGAWAING BAYAN SA ZAMBO DEL NORTE POSIBLENG MATIGIL — GOV. NENE

ITO ang malalim na laman ng pahayag ni Governor Jalosjos sa media makaraang sumulat sa …

SMC Toll Fee

Bilang pasasalamat sa mga motorista
BAYARIN SA EXPRESSWAY KAKANSELAHIN NG SMC SA BISPERAS NG PASKO AT BAGONG TAON

NAKATAKDANG kanselahin ng Conglomerate San Miguel Corporation (SMC) ang mga bayarin para sa expressway network …

SM Krus na Ligas 1

Promoting wellness and enhancing healthcare delivery
SM Foundation upgrades vital Quezon City community health center

Refurbished by SM Foundation, Krus Na Ligas Health Center caters to over 73,000 residents of …

Manila Honey Lacuna Yul Servo Nieto

Mayor Honey, VM Yul, Asenso Manileño Team namahagi ng Christmas gift boxes para sa Senior Citizens ng Maynila

NAMAHAGI ng Christmas gift boxes sina Mayor Honey Lacuna – Pangan, Vice Mayor Yul Servo …

Muntinlupa

Sa ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag
MUNTINLUPA NAGDIWANG SA DIWA NG TUNAY NA PUSO NG MAMAMAYAN

IPINAGDIWANG ng Lungsod ng Muntinlupa ang ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag na isa sa mahalagang okasyon …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *