NANINIWALA ang Palasyo na isang “political gift” para kay Sen. Antonio Trillanes IV ang Proclamation 572 dahil ginagamit ito ng senador para sa sariling publisidad.
Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque, hindi maituturing na pinagdidiskitahan si Trillanes sa Proclamation 572 na nagpawalang-bisa sa kanyang amnestiya dahil todo itong nagiging behikulo para magpasiklab ang senador.
Kung tutuusin aniya ay 80% ng mga balita ay tungkol kay Trillanes habang ang administrasyon ay 30% lamang.
“You know my office maintains — we measure the amount of air time and the amount of news that he gets – he gets 80%, we get 30% by way of reply. That’s not persecution. He loves it, because he is now in the limelight. This is not political persecution. This is a political gift for him, because we have given him the limelight,” sabi ni Roque sa panayam sa CNN.
Wala aniyang puwedeng magreklamo ng “persecution” dahil dumaan sa wastong proseso at nagpasya ang hukuman kaugnay sa Proclamation 572.
Binigyan diin ni Roque na hindi “obsessed” si Pangulong Duterte kay Trillanes at ang nakatu-tok lamang sa mga kaso ng senador ay mga piskal.
Ang atensiyon aniya ng administrasyon ay mapababa ang inflation sa bansa.
(ROSE NOVENARIO)